ADAMSON, BACOLOD TAY TUNG AGAWAN SA SHAKEY’S GVIL CROWN

Mga laro ngayon:
(Adamson University gym)

10 a.m. — Bethel Academy vs Lyceum

12 p.m. –– Arellano University vs FEU

2 p.m. — NUNS vs Kings’ Montessori (battle for bronze)

4 p.m. — Bacolod Tay Tung vs Adamson (gold medal match)

SISIKAPIN ni outgoing winger Shaina Nitura na mag-iwan ng winning legacy sa kanyang huling laro na suot ang Adamson University uniform sa 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League.

Pangungunahan ng Lady Baby Falcons veteran ang reigning UAAP champions sa huling pagkakataon laban sa Bacolod Tay Tung sa winner-take-all final ngayong Linggo sa Adamson University gym.

Umiskor si Nitura ng 17 points, pawang mula sa attacks,  sa 25-19, 25-17, 25-17 semifinal sweep ng Adamson sa National University-Nazareth School noong Huwebes sa Paco Arena upang isaayos ang championship showdown laban sa inaugural edition’s third placer Thunderbolts.

Tututukan ang UAAP Season 86 MVP sa kanyang pagtatangkang igiya ang Lady Baby Falcons sa pagkumpleto sa perfect title conquest sa premier grassroots volleyball tournament ng bansa na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Smart Sports, Mikasa, Team Rebel Sports, Data Project, Genius Sports at Robinsons Malls.

Subalit ayaw ni Nitura na i-pressure nang husto ang kanilang mga sarili.

“Pinapa-remind ko lang sa kanila like before, noong last GVIL po, which is rebuilding lang din kami noong time na yun. So there’s no pressure sa tournament na ‘to,” ani  Nitura, na nag-committ na sa seniors squad ng Adamson.

Umaasa siya na ang kampanya ng Lady Baby Falcons sa  SGVIL anuman ang resulta ay makatutulong sa mga holdover na makakuha ng mahalagang  leksiyon at karanasan papasok sa  UAAP Season 87 sa susunod na taon.

“It’s everything to gain for Season 87 for their season sa juniors. So wala naman tong pressure, ‘yun nga ‘yung sinasabi ko sa kanila, but we have to gain ‘yung tapang, and lahat ng kailangan namin makuha from this league,” dagdag ni Nitura.

Ang Adamson ay unbeaten sa limang laro.

Ang defending Palarong Pambansa champion Bacolod Tay Tung ay nasa five-game win streak din kasunod ng straight sets, 25-18, 25-14, 25-23, triumph kontra Kings’ Montessori School sa knockout semifinal.

Samantala, maghaharap ang NUNS at Kings’ Montessori para sa bronze.

Magsasalpukan naman ang Far Eastern University-Diliman at Arellano University para sa  fifth place habang maglalaban ang Bethel Academy College at ang Lyceum of the Philippines University para sa seventh spot.

Ang mga laro sa SGVIL na inorganisa ng  Athletic Events and Sports Management, Inc. ay mapapanood via livestream sa Smart Sports and Puso Pilipinas, Aliw 23 (free TV) at  Solar Sports (cable).