ADAMSON KAMPEON SA SGVIL

                WINALIS ng Adamson University ang Bacolod Tay Tung,  25-20, 25-5, 25-22, sa winner-take-all gold medal match upang dominahin ang 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League nitong Linggo sa Adamson University Gym main court.

Naging sandigan ng Lady Baby Falcons  ang kanilang katatagan,  maturity at championship experience upang malusutan ang pagbabanta ng Thunderbolts sa third set at makumpleto ang six-game tournament sweep.

Nanalasa sina Abegail Segui at Lhouriz Tuddao sa third frame sa paghataw ng timely hits habang pinangunahan ni outgoing veteran Shaina Nitura ang Adamson sa pagpigil sa pagtatangka ng Bacolod Tay Tung na palawigin ang laro.

“Sinabi ko sa kanila na ang mind set nila i-renew nila when in doubt sila sa mga ginagawa nila. Sabo ko you must put in the right mindset so that magiging maayos ang flow ng ginagalaw ninyo,” wika ni Lady Baby Falcons head coach JP Yude.

Umiskor si Tuddao ng 11 points mula sa 5 kill blocks, 4   attacks at 2 aces para sa Lady Baby Falcons, na nakopo ang kanilang ikalawang titulo ngayong taon kasunod ng  sweep sa UAAP Season 86.

Tumapos sina Nitura at  Segui na may tig-10 points para sa  Adamson.

Samantala, nalusutan ng Kings’ Montessori School ang late fourth set fightback ng National University-Nazareth School upang maitakas ang 25-18, 24-26, 25-23, 25-22 panalo at kunin ang bronze medal.

Hindi nagpadala si Shekaina Lleses sa pressure at naitala ang huling apat na puntos ng Vikings, kabilang ang well-placed offspeed hit upang patahimikin ang Lady Bullpups para sa podium finish.

Ang graduating veteran ay nagpakawala ng 28 points, kabilang ang 9 sa fourth set na kanyang nakolekta mula sa 25 attacks at 3 aces para sa Kings’ Montessori, na binigo ang NUNS na magwagi ng medalya makaraang pumang-apat din sa inaugural edition.

“Nakakatuwa po at nakakataba ng puso kasi ‘yung mga bata lahat ng mga pinractice namin ipinakita talaga. ‘Yung mga pinaghirapan namin saka sacrifices po nag-result sa victory kaya nakakuha tayo ng bronze,” sabi ni Vikings assistant coach Glenn Gomez, na humalili kay head tactician Onyok Getigan na kasalukuyang nasa Japan.

Nagdagdag si Shahanna Lleses ng 14 markers habang gumawa sina Justine Decena at Kriska Gindap ng 7 at 6 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Kings’ Montessori.

Umiskor si NUNS winger Diza Berrayo ng 22 points, nagtala si Joseline Salazar ng 12 markers, habang nagdagdag si Mardy Tayag ng 11.

Hanggang press time ay nagsasalpukan pa ang Bacolod Tay Tung at ang Adamson University para sa gold medal.

Samantala, pinataob ng Far Eastern University-Diliman ang Arellano University, 25-18, 25-23, 25-19, para aa sa fifth place finish sa SGVIL na inorganisa ng Athletic Events and Sports Management, Inc., at ipinalalabas via livestream sa Smart Sports and Puso Pilipinas, Aliw 23 (free TV) at Solar Sports (cable).

Bumanat si Riane Alonzo ng 9 kills at 2 aces upang pangunahan ang Lady Baby Tamaraws habang nagdagdag sina  Shiela Pascual at Clarisses Loresco ng tig-10 markers at nagtuwang para sa 18 sa 38 attack points ng FEU-Diliman.

“Masaya ako kasi nailabas nila ‘yung talagang laro nila. Kailangan pukpukin lang siguro sila para lumabas. Kailangan lang talaga mag usap usap sila sa loob ng court,” wika ni Lady Baby Tamaraws coach Joanne Bunag.

Samantala, nalusutan ng Bethel Academy College ang opening set loss upang gapiin ang Philippines University, 22-25, 25-20, 25-19, 25-20, para sa seventh place finish.

Tumapos si Shane Reterta na may game-high 27 points upang pangunahan ang  Bethelites.

Nagpakawala siya ng 25 kills at 2 aces sa rebound victory ng Bethel Academy makaraang malasap ang five-set loss sa Arellano sa first phase ng classification round noong nakaraang Huwebes kung saan nasayang ang league-record 36 points ni Reterta.