Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. — UST vs. UP (M)
4 p.m.– Ateneo vs. FEU (M)
IPINALASAP ng Far Eastern University sa Adamson ang unang pagkatalo nito sa season sa pamamagitan ng 88-85 panalo sa overtime sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nasayang ang 17 puntos na kalamangan ng Tamaraws subalit kumayod nang husto sa overtime upang maitakas ang tagumpay.
Bumagsak ang Falcons sa 5-1 kartada kasosyo ang Ateneo, habang umangat ang Tamaraws sa 4-2 sa solong ikatlong puwesto.
Sa unang laro ay nagbida ang magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liaño sa 89-88 panalo ng University of the Philippines kontra National University.
Nagpasabog si Javi ng career-high 19 points, 8 rebounds at 5 assists, habang nag-ambag si Juan ng 20 points, 8 boards, 6 assists at 3 steals.
Sa panalo ay umangat ang Fighting Maroons sa 3-3 kartada para sumalo sa ika-4 na puwesto.
Sinamantala ng UP ang ilang errors ng Bulldogs, kabilang ang pagmiskalkula ni NU point guard JV Gallego sa oras sa final possession ng laro. Mula sa sablay na free throw ni Javi, tumakbo si Gallego sa court at maaaring tumira ng lay-up sa huling segundo, subalit ipinasa ang bola habang paubos ang oras.
“I’m just relieved that we were able to get this win,” wika ni UP coach Bo Perasol.
Nalasap ng Bulldogs ang ika-5 sunod na pagkatalo sa anim na laro.
Nanguna si Dave Ildefonso para sa NU sa kinamadang career-high 20 points, 6 rebounds, at 6 assists, habang tumapos si Gallego na may 13 points, 3 boards, at 4 dimes. Tatlong iba pang players ang nagtala ng double-digits para sa Bulldogs, subalit hindi pa rin sapat upang makakawala sa slump.
Iskor:
UP (89) – Akhuetie 21, Gomez de Liano Ju 20, Gomez de Liano Ja 19, Desiderio 14, Manzo 8, Dario 6, Prado 1
NU (88) – Ildefonso D 20, Sinclair 13, Gallego 13, Ildefonso S 12, Gaye 11, Clemente 9, RIke 4, Diputado 3, Morido 2, Yu 1QS: 26-20, 47-40, 70-62, 89-88
Ikalawang laro
FEU (88)–Tolentino 19, Cani 14, Comboy 13, Eboña 9, Escoto 8, Gonzalea 8, Parker 7, Orizu 6, Tuffin 2, Iñigo 2. Adamson (85) –Ahanmisi 21, Manganti 20, Sarr 15, Camacho 10, Lastimosa 8, Magbuhos V. 4, Espeleta 3, Pingoy 2, Zaldivar 2.
AdU (85) – Ahanmisi 21, Manganti 20, Sarr 15, Camacho 10, Lastimosa 8, Magbuhos V. 4, Espeleta 3, Pingoy 2, Zaldivar 2QS: 16-19, 43-34, 67-52, 80-80, 88-85.
Comments are closed.