ADB LOAN SA PINAS PAPALO SA $3.3-B

ADB-5

TARGET ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) na paigtingin ang suporta nito sa ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte.

Ayon sa ADB, plano nilang pautangin ang Filipinas ng hanggang record high $3.3 billion ngayong taon, kung saan kalahati nito ay susuporta sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.

“The $3.3-billion loan financing will fund the Philippine government’s priority projects such as the South Commuter Railway, the EDSA Greenways Pedestrian Walkways, and the Angat Water Transmission Aqueduct 7, as well as initiatives to boost social protection, sustainable tourism, and capital market development,” pahayag ng multilateral lender.

Noong 2019,  ang sovereign lending ng ADB sa Filipinas ay umabot sa $2.5 billion, mas mataas sa $1.4 billion noong 2018.

Sa kasalukuyan, ang $2.75-billion Malolos–Clark Railway Project ang pinakamalaking proyekto na pinopondohan ng ADB sa Asia and Pacific region.

Inaasahang sisimulan ang proyekto sa kalagitnaan ng taon.

Noong Lunes ay bumisita si ADB president Masatsugu Asakawa kay Presidente Rodrigo Duterte at nangako ng full support para sa proactive development agenda ng bansa.

Ito ang unang courtesy visit ni Asakawa sa Philippine President.

Nakipagpulong din si Asakawa kay Finance Secretary at ADB Governor Carlos Dominguez at iginiit ang buong suporta ng ADB sa growth at development goals ng bansa, kabilang ang ‘Build Build Build’ program at ang peace and economic development initiative sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

“ADB’s partnership with our host country, the Philippines, has never been stronger,” wika ni Asakawa.

“ADB is committed to supporting the government’s effort to reduce poverty and create high quality jobs for Filipinos by building a competitive economy and caring society,” dagdag pa niya.

Comments are closed.