ADBOKASIYA PARA SA KAPAKANAN NG MGA SIKLISTA LUBHANG KAILANGAN

JOE_S_TAKE

BAGO pa man nagsimula ang pandemyang COVID-19, marami na ang nagbibisikleta bilang libangan at bilang isang uri ng ehersisyo upang mapanatili ang kalusugan.

Marami rin ang nagba-bike bilang isang masayang paraan ng bonding sa pagitan ng mga magkakaibigan. Mayroon ding mga indibidwal na minabuting gumamit ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho upang makaiwas naman sa malalang daloy ng trapiko sa mga pangunahing daan lalo na sa Metro Manila. Subalit nang magsimula ang pandemya, lalong tumaas ang bilang ng mga siklista. Ang dating panglibangan lamang ay naging isang pangunahing tugon sa limitadong opsyon ng transportasyon ngayong pandemya.

Kung ating babalikan, bisikleta rin ang naging kasagutan sa problema ng mga healthcare frontliner nang pati sila ay naapektuhan ng limitadong transportasyon kaugnay ng enhanced community quarantine noong nakaraang taon. Bilang tugon, sa pamamagitan ng Bike Share Program ng lokal na pamahalaan ng Pasig, nabigyan ng transportasyon ang mga healthcare worker na magagamit ng mga  ito papunta sa trabaho.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat, kapag nasa publiko, hindi hamak na mas mababa ang posibilidad ng pagkahawa sa virus kung nasa mga lugar na open air kumpara kapag nasa mga lugar o sasakyan na gumagamit ng aircon. Bukod sa limitadong opsyon ng transportasyon, ito rin ang isang dahilan kung bakit marami ang mas piniling bumiyahe gamit ang bisikleta sa halip na sumakay sa mga bus at iba pang pampublikong transportasyon. Bukod sa mas mababang posibilidad ng exposure sa virus, hindi hamak na mas matipid din ang pagbibisikleta.

Bunsod ng matinding pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng biskleta bilang pangunahing paraan ng transportasyon ngayong panahon ng pandemya, ang pagkakaroon ng sistema at mga panuntunan na tumututok sa pagsiguro ng kaligtasan at kaginhawaan ng mga ito ay isa nang isyu na nangangailagan ng agarang solusyon. Kailangan din ng mga malinaw na batas trapikong magsisilbing panuntunan at proteksiyon ng mga siklista. Tinatayang nasa kalahating milyong indibidwal ang kasalukuyang gumagamit ng bisikleta bilang transportasyon nito sa pagpasok sa trabaho sa Metro Manila.

Upang maipahatid sa publiko ang panawagan ng mga grupo ng siklista ukol sa pagkakaroon ng mga politikong maaaring maglunsad at magtulak ng adbokasiya ukol sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga siklista, nagkaroon ng malawakang pagtitipon ang iba’t ibang grupo nito sa Macapagal Blvd. sa Pasay. Ang mga siklista na dumalo sa naturang pagtitipon ay nagbisikleta mula sa Pasay patungong Ortigas, Pasig.

Ayon sa MNL Moves, isang grupong ang adbokasiya ay nakatuon sa pagkakaroon ng mga opsyon sa transportasyon na hindi nakapipinsala sa kapaligiran, kinakailangang magkaroon ng mga daanan at mga imptrastraktura para sa kaligtasan ng mga siklista. Sa pamamagitan ng isang proyektong tinawag na Bike Count Project, napag-alamang hindi bababa sa 38,932 na siklista ang bumibiyahe mula 6 am hanggang 8 am, at 4pm hanggang 6pm noong ika-8 ng Hunyo.

Ang Bike Count Project ay isang proyektong naglalayong suriin ang daloy ng trapiko sa 32 na iba’t ibang lokasyon sa mga lungsod ng San Juan, Pasig, Quezon City and Marikina. Sa ilalim ng proyekto ay mano-manong binibilang ang mga siklistang bumibiyahe. Ang datos mula sa proyekto ay magsisilbing karagdagang datos kung saan maaaring ikompara ang manual bike count na isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay MNL Moves founder Aldrin Pelicano, hindi pa sapat ang datos na hawak ng pamahalaan ukol sa bilang ng mga siklistang bumibiyahe sa mga lungsod. Bilang tugon sa pagtaas ng bilang ng mga siklista ngayong panahon ng pandemya, hinikayat din ng MNL Moves ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na isama ang mga siklista sa konsiderasyon sa tuwing gagawa ito ng mga bagong panukala ukol sa trapiko.

Isa sa pangunahing kinakailangan ng mga siklista ay ang pagkakaroon ng bike lane na talagang ligtas na daanan para sa mga ito. Ibig sabihin, dapat ay wala itong man hole, pot hole, drainage cover, at kanal. Malaking bagay din para sa mga siklista kung mayroong mga bike ramp na makatutulong sa mga ito sa pagbuhat ng kanilang mga bike paakyat sa mga foot bridge at mga overpass at underpass. Kailangan din ng mga pasilidad na may mataas ang seguridad na maaaring pag-iwanan ng mga bike.

Ang mga bike lane na ito ay dapat konektado rin sa iba’t ibang lungsod upang mas ligtas at mas madali ang pagbiyahe ng mga siklista sa pamamagitan ng naturang mga lane. Isang magandang halimbawa ng konektadong bike lane ay ang 52-kilometer bike lane ng Marikina na nagdudugtong sa mga pangunahing establisyimento sa lungsod – mga paaralan, mga opisina, mall, palengke, at sentro ng transportasyon gaya ng istasyon ng LRT Line 2 sa Santolan, Pasig. Ang nasabing bike lane ang nagbigay ng pagkilala sa Marikina bilang Biking Capital ng Pilipinas.

Noong Hulyo ay inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang pinakamahabang bike lane sa bansa na may habang 313 kilometro. Ito ay tinawag na Metro Manila Bike Lane Network na siyang konektado at dumadaan sa 12 na lungsod sa rehiyon. Ang lane ay may lapad na 1.5 hanggang 3 metro depende sa ayos ng daan. Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang Metro Manila Bike Lane ay may konkretong mga delineator, flexible na bollard na gawa sa goma na siyang naghihiwalay sa mga bike at mga sasakyan. Mayroon din itong mga tanda at mga signage na angkop sa pangangailangan ng mga siklista.

Nawa’y maging mahigpit din ang pagpapatupad ng batas ukol sa paggamit ng mga bike lane. Para tunay itong maging epektibo, dapat mga bike lamang ang gagamit at dadaan rito. Hindi gaya ngayon na ang mga bike lane na dinaraanan pa rin ng mga motor. Kung ito ay mabibigyan ng konkretong solusyon, tiyak na mas maraming mga indibidwal ang mahihikayat na mag-bisikleta na lamang sa pagbiyahe. Nawa’y magsilbing ehemplo ang mga lungsod ng Marikina at Pasig at panundan ito ng iba pang lokal na pamahalaan. Kung bibigyan ng pamahalaan ng sapat na proteksyon ang mga siklista, malaking tulong ito hindi lamang sa daloy ng trapiko kundi pati na rin sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

199 thoughts on “ADBOKASIYA PARA SA KAPAKANAN NG MGA SIKLISTA LUBHANG KAILANGAN”

  1. Wow that was odd. I just wrote an extremely long comment but after I clicked submit my comment didn’t appear.

    Grrrr… well I’m not writing all that over again. Anyway,
    just wanted to say wonderful blog!

  2. An outstanding share! I have just forwarded this onto a friend
    who was conducting a little research on this. And he actually bought me breakfast because I found
    it for him… lol. So let me reword this…. Thanks for the
    meal!! But yeah, thanx for spending the time to discuss this
    issue here on your web site.

  3. Hi there! This is my first visit to your blog! We are a group of volunteers and
    starting a new initiative in a community in the same niche.
    Your blog provided us beneficial information to work on. You have
    done a marvellous job!

  4. hello!,I really like your writing very a lot! proportion we communicate more approximately your post on AOL?
    I require an expert in this space to solve my problem.
    May be that’s you! Having a look forward
    to see you.

  5. Hi, I do believe this is a great site. I stumbledupon it
    😉 I may return once again since i have book marked it.
    Money and freedom is the best way to change, may you be rich and continue to guide
    others.

  6. Currently it looks like Expression Engine is the preferred blogging platform available right now.
    (from what I’ve read) Is that what you’re using on your blog?

  7. You actually make it appear really easy along with your
    presentation but I in finding this topic to be really something which I think I’d
    by no means understand. It kind of feels too complex and extremely wide for me.
    I’m looking forward for your subsequent post, I’ll try to
    get the cling of it!

  8. I think this is one of the most vital information for me.
    And i am glad reading your article. But want to
    remark on few general things, The web site style is ideal, the articles is really great : D.
    Good job, cheers

  9. I blog often and I seriously appreciate your content.
    This great article has truly peaked my interest.

    I am going to bookmark your website and keep checking
    for new information about once per week. I opted in for your Feed as well.

  10. Hey there! I’m at work browsing your blog from my new
    iphone 3gs! Just wanted to say I love reading through your blog and look forward to all your posts!

    Keep up the outstanding work!

  11. 322661 204683Thank her so much! This line is move before dovetail crazy, altarpiece rather act like habitual the economizing – what entrepreneur groovy night until deal with starting a trade. 200602

Comments are closed.