ADIK ARESTADO SA PANGGAGAHASA SA ANAK

rape

LAGUNA – TIMBOG sa droga ang 26-anyos na lalaki bukod pa ang kinakaharap noong kaso ng panggagahasa sa kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa Brgy. Dayap, bayan ng Calauan.

Kinilala ni PMaj. Mark Julius Rebanal, hepe ng pulisya, ang suspek na si Norwin Ventoza ng Purok 1, Brgy Prinza ng bayang ito.

Bandang alas-11:30 ng umaga batay sa ulat nang magkasa ng buy bust operation si Rebanal at kanyang mga tauhan sa lugar makaraan ang surveillance operation ng mga ito kay Ventoza.

Doon mismo sa lugar kung saan isinagawa ang anti-illegal drugs operation, hindi na nagawa pang makapalag ng suspek sa pulisya kasunod ang pagkakumpiska ng mga ito ng limang sachet ng shabu na umaabot sa .30 na gramo at may kabuuang halaga na P1,500 street value.

Lumilitaw sa ulat ni Rebanal na dati nang pinasuko ang suspek sa kanilang lugar noong Hun­yo 20 kung saan muli itong bumalik sa paggamit at pagtutulak ng droga. DICK GARAY

Comments are closed.