FACEBOOK ang nangunguna sa mundo sa social network. Heto ang ilang interesting tidbits tungkol sa social networking giant na ito na kinagigiliwan ng napakaraming users sa buong mundo lalo na sa China, na siyang nangunguna sa kasalukuyan. Isa rin ang India sa biggest market ng Facebook.
Sa ngayon, may 1.6 billion monthly active users na ang Facebook, na dumarami pa araw-araw. Ang bilang ng daily active users (DAUs) ng Facebook stood ay 1.04 billion batay sa 2015 survey. Sa India pa lamang, may 125 million Facebook users na sila noong 2015 na inaasahang darami pa sa mga susunod na taon.
US pa rin ang money market. Noong 4th quarter ng 2013, 45% ng 757 million DAUs ng network ay mula sa Europe, US at Canada. Sa 4th quarter ng 2015, nakuha nila ang 39% ng users, hindi pa kasama ang ibang kontinente, at sa Asia-Pacific. Gayunman, Europe at North America pa rin ang biggest contributors sa kita ng kumpanya (FB) na 75% ng revenue – halos eksaktong figure noong 4th quarter ng 2013.
Nakuha ng Facebook ang 97% ng $5.8 billion revenue sa advertising – at ang iba pang kita ay relatively insignificant sa ‘payments and other fees’.
Ayon sa 2014 report, bawat Facebook user ay gumagastos ng $3.73 bawat quarter. Pero hindi pare-pareho ang users. Iba ang gastos sa US at iba rin sa Canadian na gumagastos ng $13.54 per quarter, habang sa Asia-Pacific region ay gumagastos ng $1.59 sa Facebook bawat user.
Kung Facebook movie naman ang usapan, nanalo na ang Facebook ng apat na Golden Globes – kasama na ang best picture and best director – at tatlong Oscars, para sa best adapted screenplay, original score and film editing.
Noong 2008, naging top social network ang FB. Noong June 2009, sinapawan ng Facebook ang MySpace para maging world’s most popular social networking website.
Nakuha ng Facebook ang una nitong investment na $500,000 mula kay PayPal co-founder Peter Thiel. Noong 2007, ibinenta naman ng Facebook ang 1.6% stake nito sa Microsoft sa halagang $240 million, na nakasapaw sa offer ng online search giant na Google. Sa investmet ng Facebook, medyo nagkaroon ng setback ang Microsoft sa Google.
Ibinunyag ni Google chairman Eric Schmidt na tinanggihan ng Facebook ang offer nilang makipagpartner sa kumpanya para sa kanilang rich source ng personal information.
Noon namang November 2013, Snapchat messaging platform naman ang nag-reject sa $3 billion acquisition offer ng Facebook. Ang tatlong pinakamalaking acquisition ng FB noong taong iyon ay Instagram ($1 billion, April 2012), WhatsApp (19 billion, February 2014) at Oculus VR ($2 billion March 2014).
June 2011 naman nang ang Iceland, isa sa mga bansang may pinakakonting populasyon sa Europe, ay nagbago ng Konstitusyon base sa suhestiyon at feedback na natanggap ng gobyerno sa kanilang mga mamamayan mula sa Facebook at Twitter.
Kung idadagdag ang number ‘4’ sa likod ng Facebook URL, makakarating ang message mo sa wall ni founder and CEO Mark Zuckerberg. Ang www.facebook.com/4 trick ay pwedeng pwede kahit naka-log-in ka sa sarili mong account o hindi. Kung gagawa ka ng comment o magpo-post, i-type ang @[4:0} at lalabas ang pangalan ni Zuckerberg.
Ang Facebook ang may-ari ng domain names na nangmamaliit sa mismong site, kasama na ang ‘I hate Facebook credits,’ ‘I hate the Facebook Like button’ at ‘Like button sucks.’ Dapat din ninyong malamang si Facebook CEO Mark Zuckerberg ay may sakit na red-green color blindness. Ito ang dahilan kung bakit ang primary color scheme ng Facebook ay blue. Ayon mismo kay Zuckerberg, “blue is the richest color for me — I can see all of blue.”
Ano, adik ka ba sa Facebook? Don’t worry, hindi ka nag-iisa. JAYZL VILLAFANIA NEBRE