Pahabaan ng pila. Palakihan ng tumbler. Paramihan ng pearls. ‘Yan ang craze o addiction ng karamihan sa ngayon. Bata o matanda ay nagsisiksikan sa milk tea cafes. May hindi kontento sa simpleng baso o tumbler at garapon na ang ino-order.
Paano nga ba ito nagsimula? Katapusan na ba ng coffee lovers at itong milk tea na ang kapalit?
I remember, hindi na ito bago. Ilang taon na ang nakalipas at ako’y nakapagtrabaho sa Penang, Malaysia. Naaalala ko pa na hindi uso roon ang softdrinks.
Kung kakain ka sa Hawkers market, ang kadalasang inumin ay Teh Tarik – kombinasyon ng matapang na tsaa at kondensada.
May paraan sila ng pagprepara na nakamamanghang panoorin. Ang origins nito ay mula sa Indian Muslim immigrants noong World War II para pagsilbihan ng maiinom ang mga sundalong gustong magising.
Ang showmanship dito ay kung gaano kahaba mo kayang paghiwalayin ang dalawang tabo na may laman na tsaa para ito ay bumula.
ANO BA IYONG PEARLS?
Ilang taon na rin ang nakalilipas nang sinimulan ang pag-aalok ng milk tea mula sa coffee shops at restaurants sa atin.
Ngunit kailan lamang talagang pumutok ito na may mga nagsasabi pa ngang milk tea na ang nananalaytay sa kanilang mga dugo. Kaliwa’t kanan na nga ang mga nagsulputang milk tea shop ngayon at kanya-kanya na rin sila ng mga paandar para lang mas bumenta.
Iba’t ibang kulay at flavor ang “pearls o bubbles” na idinadagdag sa inumin. Those so called “bubbles” are actually round pieces of tapioca.
The “tapioca pearls” are starch extracts from cassava root, a vegetable with a nutty flavor. However those little balls are high in carbohydrates but low in nutrients. Besides, hindi na natin alam sa ngayon kung galing pa nga ba talaga sa cassava ang “pearls” para lang makatipid ang nagtitinda.
PAANO GINAGAWA?
Ang “tapioca pearls” ay nabibili sa mga palengke ng ready to cook. Pinakukuluan ito sa tubig sa loob halos ng 3 oras habang dinaragdagan paunti-unting asukal or flavoring at coloring. These pearls could have about 160 calories per ¼ cup serving or a total of 400 calories sa isang mid-size tumbler.
Those 16 oz drink could have up to 65 grams of sugar from the syrup sweetener. Ang ginagamit rin na tea ay black tea na isa sa may pinakamataas na caffeine content dahil sa strong flavor nito at mas matipid kaysa ibang herbal teas.
Halos malampasan na raw ng tsaa ang dati nating nakahiligang colas, pero kung tutuusin, hindi naman tea lover ang mga Filipino. Healthy alternative drink nga ba talaga ito?
PROBLEMA SA MILK TEA
Si Dr. Christian Jessen ay isang pediatrician na nagsasabing iwasan ang pagbibigay ng milk tea sa mga bata.
Maaaring ang nilalaman nito ay magdulot ng karamdaman sa murang edad. Narito ang ilan:
• Insomnia – dahil sa mataas na caffeine content ng black tea.
• Anxiety – the theophylline content can cause over stimulation sa brain cells.
• Pimples – excess tea generates extreme heat and creates an imbalance in the body that result in skin outbreaks.
• Constipation – the caffeine of tea can cause dehydration.
• Blood Pressure Imbalance
• Possibility of Miscarriage among pregnant women.
• Bloating ng tiyan dahil sa acidity.
• Anemia dahil sa polyphenol content which binds with the blood iron.
• Paninilaw ng ngipin dahil sa tannin content.
• Provokes addiction
ILANG EHEMPLO
Bihira itong nangyayari, gayunpaman, ito ay posibleng mangyari sa sarili ninyong mga anak.
May ilang mga bata ang nabubulunan dahil may “pearls” na lubhang matigas nguyain at nilulunok na lang ng iba.
Naririto ang ilang parenting tips:
• Hiwain ng maliliit ang pagkain. Huwag bigyan ng malalaking piraso ang maliliit pa na bata.
• Umiwas sa mga puwedeng bumara sa lalamunan, tulad ng mani at cornick.
• Umiwas din sa malalapot na pagkain tulad ng peanut butter.
• Turuan silang ngumuya ng mabuti, at huwag lumunok nang lumunok.
• Kapag tingin nila sila ay nabulunan, turuan silang humingi ng tulong agad-agad sa ibang tao.
• Subukang paubuhin ang iyong anak kung palagay ninyo ay nabulunan.
• Puwede ring paluin ang likod o batok ng bata para lumabas ang nakabara.
• Pag-aralang gawin ang heimlich maneuver.
*Quotes
“Whoever spares the rod hates their children, but the one who loves their children is careful to discipline them.”
– Proverbs 13:24
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes.
Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa pro-gramang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.