ADIK NA BEBOT SWISS NATIONAL, HINARANG SA NAIA

NAIA

MISTULANG lango pa sa ipinagbabawal na droga ang isang babaeng Swiss National nang maharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa kahinahinalang kilos at pag-amin nitong drug addict siya sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City.

Hindi na pinayagan pang makapasok ng bansa ang dayuhan na si Chrystel Canitrot, 35, na naharang sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Cathay Pacific flight mula Hong Kong.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, hindi mapakali si Canitrot at hindi rin masagot ang mga tanong sa kanya nang iniinterbyu ng immigration officer.

“She could not answer basic questions, and later admitted that she is dependent on morphine. She asked that she be given morphine because she was in pain and said that she just wanted to get out of the airport,” ani Medina

Hindi na pinahintulutan pang pumasok ng bansa ang dayuhan at agad din itong pinabalik sa Hongkong.

PAUL ROLDAN

Comments are closed.