HINDI pa rin ramdam sa EDSA ang epekto ng adjusted mall hours na sinimulan kamakailan lamang.
Ito ang inamin ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, na kahit ipinatupad na ang adjusted mall hours nitong Nobyembre hindi pa rin tuluyang nasolusyunan ang matinding sikip ng daloy ng trapiko.
“Kahit kasi in-adjust na at ginawang alas-11:00 ang opening ng mga mall na nasa EDSA matindi pa rin ang trapiko,” pahayag nito.
Ayon dito, bunsod na rin ito ng nadagdagan ang mga sasakyan sa EDSA na galing sa mga karatig probinsya at isama pa ang mga bagong biling sasakyan.
Base sa rekord ng MMDA, nasa 3,000 mga sasakyan ang hindi na nakikipagsiksikan sa EDSA mula alas- 8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga dahil na rin sa adjusted mall hours.
Sinabi pa ni Garcia na may tig-200 mga sasakyan ang unang pumaparada sa 15 na mall na nasa EDSA bukod pa sa 45,000 empleyado ng 15 mga mall sa EDSA ang hindi na nakikisabay sa kasagsagan ng rush hour. VERLIN RUIZ
Comments are closed.