KINUMPIRMA ni Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na 21 sa 72 lokal na kaso ng Delta COVID-19 variant sa bansa ang sinuri sa kanilang pagamutan at anim sa mga ito ang na-admit o na-confine doon.
Ayon kay Del Rosario, sa anim na na-admit, dalawa ang namatay at apat ang nakarekober.
Aniya, ang dalawang namatay ay hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 habang isa lamang naman sa mga recoveries ang bakunado na at nakitaan lamang ng mild symptoms.
Kinumpirma rin naman niya na nagkakaroon ng pagtaas ng bilang ng mga admission ng mga pasyente ng COVID-19 sa PGH simula pa nitong unang linggo ng Hulyo.
Sa ngayon aniya, ang PGH ay mayroon nang 170 kaso ng COVID-19.
Bagamat hindi pa tiyak kung anong variant ang dumapo sa mga pasyente, sinabi ni Del Rosario na ipinagpapalagay nilang ang lahat ng COVID-19 patients na dinadala sa kanilang pagamutan ay posibleng Delta variant.
“For now po, we really assume that all COVID patients na papasok sa aming ospital ay potential na Delta variant,” aniya pa, sa panayam sa radyo.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni PGH infection control chief Dr. Regina Berba sa publiko na wala silang naitalang outbreak ng sakit sa kanilang mga personnel, sa kabila ng pagkakaroon ng Delta variant cases.
“Despite the high number of Delta exposures in PGH, we’ve really had no COVID outbreaks so far,” ani Berba.
Kinumpirma rin niya na naka-high alert ngayon ang PGH mula pa noong Hulyo 26 at magtatagal ito hanggang sa Agosto 31.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mayroon nang 119 kumpirmadong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa at 12 na lamang sa mga ito ang aktibong kaso pa. Ana Rosario Hernandez
447564 304857Thanks for every other excellent post. 78677
85521 774740When I saw this page was like wow. Thanks for putting your effort in publishing this article. 243345
922497 752307When I came more than to this post I can only appear at part of it, is this my net browser or the internet internet site? Ought to I reboot? 377043