NAGPALIWANAG ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa alegasyong kababawan sa isyu ng Adobong ulam.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na bagaman prayoridad ng ahensiya ang paglaban sa pandemya at makabangon ang ekonomiya, tuloy pa rin ang kanilang mandato sa pagsusulong sa industriya ng kalakalan.
Inamin ng kalihim na marami silang natanggap na kritisismo nang matalakay ang standard recipe ng Filipino dish na Adobo.
“You know, our priority is to fight the pandemic and also our economic recovery…but you know, kidding aside, despite the pandemic, we continue with our other jobs,” sabi ni Lopez.
Aniya, bahagi ng trabaho ng DTI ang creative industry exports at isa sa naisip nila sa promosyon sa ibang bansa ang Adobo na gusto ng mga overseas Filipino.
“We are strong in the creative industry exports, which need right now the government support. So, let us be clear on that, this (Adobo thing) is not just anything,” giit pa ni Lopez.
Paglilinaw pa ng DTI na hindi naman sila gagawa ng “standard” Adobo recipe kundi kung ano ba ang traditional recipe nito kaya magkokonsulta sila sa mga kusinero na layuning i-promote ang nasabing Filipino dish sa ibang bansa na kinalaunan ay puwedeng pang-export.
“We’re not talking about standard here but what is the basic traditional recipe wherein the chefs just made consultations in order to have the basic traditional recipe to be promoted abroad. That’s not mandatory,” sinabi pa ni Lopez.
Dagdag pa ng kalihim na alam niya na may iba’t ibang estilo sa pagluluto ng Adobo kaya iyon ang dahilan ng kanilang pagkonsulta sa chef. EVELYN QUIROZ
704634 227280Some truly nice stuff on this internet site , I like it. 368791