ADOBONG TUYO AT CLOTHING LINE NI EDGAR ALLAN GUZMAN KUMIKITA NGAYONG PANDEMYA

NOEL ASINAS BLOGGinawang abala ng Kapuso actor Edgar Allan Guzman ang sarili sa panahon ng pandemic sa pagpasok sa negosyo ng pagluluto ng tuyong adobo at pagtitinda sa online ng clothing lines.

Sa panahon ng pandemic, ang mga artista ay tigil trabaho. Walang taping at personal appearance sa probinsiya kapag piyesta.

Naisip ni Edgar ang paboritong pagkain ng nanay niya, ang pagluluto ng tuyong adobo. Tulong silang mag-ina sa kusina sa preparasyon, pagluluto at pag package ng tuyong adobo.

Sunod namang negosyo ni Allan ang pag- market ng clothes lines. Iba-ibang disenyo ng damit ang mina-market ni Edgar thru online.

Malapit na ring mag-taping ang mga artista. Ituloy tuloy sana ni Edgar ang kanyang negosyo.Good luck sa kanya.

oOo

MATT LAZANO PRIORITY ANG PAG-DISINFECT NG HOUSE

MATT LAZANONgayong naka-recover na mula sa COVID-19 ang Kapuso singer na si Matt Lozano, priority naman niya ang pag-sanitize ng kanilang bahay.

Sa latest YouTube vlog ni Matt, ipinasilip niya ang pag-disinfect ng isang team sa kanilang bahay, pati na rin sa kanyang online food business na Lozano’s Kitchen.

Ayon kay Matt, siniguro nilang maayos na madi-disinfect ang kanilang tahanan. Ito rin ay upang masimulan na muli ang kanilang negosyo.

“We hired a close friend of my dad who happens to have a disinfecting services. We called him kasi nga gusto naming ma-disinfect ‘yung buong bahay namin para naman makapag-resume na kami at makapagluto na ulit sa Lozano’s Kitchen, ” pahayag nito.  NOEL ASINAS 

Comments are closed.