INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga commercial carrier, eroplano man o barko na ibigay sa Bureau of Immigration (BI) ang advance information ng kanilang mga pasahero.
Sa ilalim ng EO No. 122 na nilagdaan at inilabas ng Pangulong Duterte noong Disyembre 15, iginiit nito na kailangang maging maayos ang Philippine border control at mangyayari lamang ito kung magiginging istrikto ang pagpapatupad ng Philippine immigration laws at pagpapalakas ng screening capacity na layuning mapanatili ang border integrity, maayos na international traffic flow at matiyak ang seguridad sa gitna ng pagdagsa ng mga pasahero.
“The captain, master or agent, or owner of a commercial carrier whose vessel or aircraft is arriving in or departing from any port within the Philippine territory, shall provide the BI the API of its passengers, and those of the crew and non-crew members,” sabi pa sa EO.
Sakali aniyang mabigo ang mga kapitan ng barko, eroplano o kung sino ang in-charge ay mananagot at pagbabayarin ng kaukulang multa.
Ang API (advance passenger information) ay tumutukoy sa electronic communication kung saan nakasaad ang passenger- or crew/non-crew-related information, na itina-transmit sa BI bago ang pag-alis o pagdating sa paliparan o daungan.
“The API shall serve as initial security vetting of passengers, crew and non-crew members to effectively facilitate and expedite the arrival and departure process of legitimate travelers during primary inspection,” ayon sa kautusan ng Pangulo.
Paglilinaw naman ng kautusan na tanging awtorisadong personnel ng Commissioner of Immigration ang bibigyan ng access sa API System.
Habang ang maling pagsasapubliko ng API ay maparurusahan.
Inatasan din ng Pangulo ang BI sa pakikipagkonsultasyon sa National Privacy Commission at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na bumalangkas ng mga rules at regulations para sa maayos na pagpapatupad ng kautusan sa loob ng 60 araw makaraang maging epektibo ito.
Ang kautusan ay magiging epektibo sa sandaling mailathala sa Official Gazette o sa pahayagang may general circulation. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.