CAGAYAN-SIMPLENG ‘adverse effect’ ang naranasan ng mahigit sa 141 ang nabakunahan mula sa Sinovac Vaccine sa Region 2 kung saan sa mahigit kumulang sa 9,000 ang unang nabakunahan.
Ayon kay Dr. Rio Magpantay, regional director ng DOH-Region 2 na karamihan sa nakaranas ng adverse effect ay isang simpleng minor na epekto ng bakuna tulad ng pananakit ng ulo at pahagyang pagtaas ng presyon na agad naman naaksiyunan ng attending physicians.
Samantala, halos nasa 90% na ng mga health worker ang natapos nang mabakunahan ng Sinovac habang inihahanda na ng DOH Region-2 ang idedeliber naman na bakuna na mula sa Aztrazeneca kabilang na rin ang ikalawang dose ng Sinovac.
Ani Magpantay, kasalukuyan pang bineberipika ang kabuuang bilang ng mga unang nabakunahan upang makatiyak ang alokasyong ibibigay sa pamunuan ng DOH Region 2.
Sinabi nito, napaaga ang pagdating ng 2nd dose ng Sinovac ngunit kailangan pa ring hintayin ang apat na linggo bago ang ikalawang yugto ng bakuna.
Kahapon ay sinimulan na ang pagdeliver ng Aztrazeneca vaccine sa mga ospital na handa na sa vaccination program para sa mga senior citizen at mga umayaw na magpabakuna sa Sinovac.
IRENE GONZALES
Comments are closed.