ADVOCATING TO SUPPORT LOCAL GROWERS AND HEALTH & WELLNESS

STEVIA

Glorious Industrial and Development Corporation

(Ni CRIS GALIT)

ISA sa mga adbokasiya ng Glorious ­Industrial and Development Corporation (GIDC) ang ­suportahan ang local growers ng stevia plant para masolusyunan nito ang kanilang mga ­pangangailangan, magkaroon ng stable na kita at trabaho sa komunidad para sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya.

TITA AUDahil sa kaniyang pagsisikap, naabot ni Maura de Leon o “Tita Au”, entrepreneur at tinaguriang “Queen of Philippine Stevia,” na mapalago ang kanilang negosyo na nakatutulong din sa kalusugan – ang paglik­ha ng natural sweetener mu-la sa stevia na isang flagship pro­duct naman nilang Sweet & Fit Stevia – at pagbibigay ng ayuda sa mga local farmer/grower sa bansa.

“Our advocacy is to support the local growers (of stevia) para matulungan sila na mas maging maa­yos ‘yung buhay nila than before.  Naka suporta tayo sa mga pamilya nila. Hindi lang in terms of employment, kundi kung paano ma­ging maayos ‘yung pag-aaral ng mga bata, kalusugan at matulungan ding ma-improve ‘yung values,” paha­yag sa PILIPINO Mirror ni Tita Au.

Nagbibigay rin ng trainings, lupa, orga­nic fertilizer hanggang sa greenhouse farming ang GIDC. Mula sa simpleng pan-garap na magkaroon ng maa­ayos na negosyo at makatulong sa mga Filipino, nagkaroon ito ng positibong katuparan dahil na rin sa pag­tang­­kilik ng mga tao sa produkto ng GIDC partikular na sa Sweet & Fit Stevia. Dahil dito, nagkaroon na rin sila ng mga “institutional accounts” na siyang pangunahing bumibili ng natural sweetener.

GROW LOCAL, GO GLOBAL!

STEVIA-2

Ang kanilang participation sa International Food Exhibit (IFEX) 2019 sa World Trade Centre, Pasay City ay para maipaki-lala ang iba’t ibang variants ng stevia tulad ng stevia leaves, stevia dried leaves, stevia dried leaves flakes, at stevia dried leaves powder. Nais din nilang mapalakas ang presensya sa export industry. “This time, sob­rang excited kami na ipakilala ang iba’t ibang produkto namin sa IFEX,” ayon pa kay Tita Au.

Taong 2004 pa lamang ay pina­ngarap na ni Tita Au na makapag-export ng kani­lang mga produkto. Nagsimula sila sa direct selling hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na ma-feature sa BusinessMirror Health&Fitness na kumilala sa kaniya bilang “Queen of Phi­lippine Stevia” na siya namang nagbukas ng pinto sa kanilang produkto para tulu­yang makilala locally.

“Sa simula, ipina­kilala namin ang stevia through direct selling, ang tawag nga na­min doon “guerilla style” kasi wala naman kaming ganoong budget para ma-ipromote namin ang mga produkto. Hanggang sa naki­lala na ito locally, sa tulong na rin ng Business­Mirror Health&Fitness. Dito na namin inisip na i-establish nang tuluyan itong company na­min para pagkatiwalaan,” masayang kuwento ni Tita Au.

Isa rin sa maipagmamalaki ng GIDC ay ang kanilang farm, kung saan, dito actual na pinoproseso hanggang sa distribu-tion ng mga ­fi­nished product. Ilang beses na rin kaming sumali sa mga trade exhibit abroad, sa HongKong, China, Thailand at Singapore sa tulong ng Department of Agriculture (DA).

STEVIA-3

PROVEN SAFE AND HEALTHY

Napatunayan na rin ng botanical division ng National Museum at kinilala ng FNRI-DOST na safe at non-toxic  ang kanil-ang produkto. “Maraming claims na effective ang stevia para sa kalusugan kaya nakatulong ito para lalong pagbutihin na makilala ang produkto namin.  Approved ito ng Food and Drugs Authority (FDA) at FNRI-DOST. Marami na rin tayong certificate at ISO certified na rin ang aming company,” pagmamalaki ni Tita Au. Proud member din ang GIDC sa Philip-pine Food Processors and Expor­ters Organizations, Inc. (PHILFOODEX), Philippine Exporters Confe­de­ration (PhilEx-port), Organic Producers Trade Association, Phils. (OPTA, Phils.), Chamber of Herbal Industries Philippines, Inc. (CHIPI), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)

Comments are closed.