BALIK-AKSIYON ang Pilipinas ngayong buwan sa pagsabak sa AFC U23 Asian Cup qualifiers simula ngayong araw sa Chonburi, Thailand.
Ang tropa ni coach Marlon Maro ay kasama ng hosts Thailand, Malaysia, at Bangladesh sa Group H. Ang magwawagi sa bawat grupo, gayundin ang apat na second placed teams ay uusad sa final round na gaganapin sa Doha, Qatar sa susunod na taon.
Ang Thais ang unang makakalaban ng young Filipinos sa alas9:30 ng gabi (Philippine time).
Makakasagupa ng Pilipinas ang Malaysia sa alas-5:30 ng hapon (Philippine time) sa Sabado bago tapusin ang kanilang group stage stint kontra Bangladeshz.
Sa 23 players na ipinatawag para sa torneo at sumailalim sa training camp sa Rizal Memorial Stadium bilang paghahanda sa kumpetisyon, 18 ang holdovers mula sa koponan na lumahok kamakailan sa AFF U23 Championship sa Thailand.
Kinumpleto nina Nhiboy Pedimonte, Arvin Jay Soliman at goalkeeping coach Noel Marcaida ang coaching staff kasama sina PFF Technical Director Stewart Hall bilang technical consult ant at analyst Stephen Oonan.
Ang players ay sina Kamil Jaser Amirul, Pocholo Bugas, Jian Vinz Caraig, Dov Cariño, Cesar Iñigo Castro, Dennis Chung, Haren De Gracia, Yrick Gallantes, Patrick Rus sel Grogg, John Loyd Jalique. John Albert Luis Lucero, Dimitrios Macapagal, Enrico Marquell Mangaoang, Jacob Francis Maniti, Martin Joshua Meriño, Gavin Muens, Harry James Nuñez, Antoine Ortega, Jacob Peña, Jax Peña. Jaime Rosquillo, Alexander Caleb Santos at Kart Talaroc.