Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
7 p.m. – Thailand vs. Philippines
(Binan Football Stadium)
7 p.m. – Indonesia vs. Singapore
(Imus Stadium)
7 p.m. – Australia vs. Malaysia
HINIKAYAT ni coach Alen Stajcic ang hometown fans na punuin ang Rizal Memorial Stadium para sa all-important match ng mga Pinay kontra Thailand sa pagtatapos ng Group A action ngayon sa 12th Asean Football Federation Women’s Championship.
“As I’ve been saying all week. We want this place (Rizal Stadium) rocking. We want it full. The bigger the crowd and atmosphere, the bigger we have a chance of winning,” sabi ni Stajcic matapos ang impresibong come-from-behind 4-1 win ng kanyang tropa kontra Indonesia noong Linggo ng gabi sa heritage-rich pitch.
“That is the point of having home ground advantage so I implore everyone to support the team, to support their nation and really help us get over the line,” pagbibigay-diin niya.
Makaraang kunin ang kanilang ika-4 na sunod na panalo, ang hosts ay pormal na nakapuwesto sa crossover semifinalsat napanatili ang pangunguna sa grupo na may 12 points sa torneo na inorganisa ng Philippine Football Federation.
Subalit inamin ni Stajcic na hindi magiging madali ang laban sa four-time champion Thais, na nasa second spot na may 10 points makaraang gapiin ang Malaysia, 4-0, dalawang araw na ang nakalilipas sa Binan Stadium sa Laguna, sa kanilang 7 p.m.duel.
Sa alas-7 din ng gabi ay magsasalpukan ang Australia at Malaysia sa Imus Stadium sa Cavite habang maghaharap anc also-rans Singapore at Indonesia sa Binan Stadium sa Laguna.
Ang Thai squad ay ang parehong koponan na tinalo ng mga Pinay,
1-0, sa stage ng AFC Women’s Asian Cup sa India noong nakaraang Pebrero upang umabante sa semifinals, at natamo ang historic milestone sa pagkopo ng kanilang ticket sa FIFA Women’s World Cup sa 2023.