AFFI MAGLULUNSAD NG ENTREPOLYMPICS PARA SA KABATAAN

EntrepOlympics

ILULUNSAD ng Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI), isang prime trade organization na nangangako na itaguyod ang responsible at home-grown micro, small and medium enterprises sa pamamagitan ng franchising, ang isang gawain na nakapokus sa kabataan na tinawag na EntrepOlympics.

Ang EntrepOlympics 2018-2019 Food Edition ay isang kompetisyon na naglalayon na buksan ang kaisipan ng mga kabataan sa pagnenegosyo. Ito ay bukas sa mga senior college students na kumukuha ng kahit anong  business o food-related course na may konsepto ng pagnenegos­yo sa pagkain na gustong magkaroon ng prangkisa sa darating na panahon.

Para sumali sa EntrepOlympics, ini-engganyo ang mga eskuwelahan na piliin ang mga gustong sumali kahit ito ay isa lamang o grupo na may maximum na limang (5) miyembro bawat grupo, na may tatlong (3) kalahok kada eskuwelahan. Dapat magpatala ang estudyante sa sasaling eskuwelahan, at may simulang kapital para sa business concept na hindi tataas sa PhP 500,000. Gamit ang teknolohiya, ang mga kalahok ay puwedeng magsumite ng kanilang concept papers at magbigay ng kanilang ideyang pangnegosyo sa online sa AFFI Panel of Judges. Dapat merong Letter of Endorsement mula sa presidente ng eskuwelahan, at personal profiles ng bawal lalahok.

Mula sa entries na isinumite sa online, dalawampung (20) semi-finalists ang pipiliin, na siyang lalahok sa tatlong araw na Entrepreneurial Boot Camp. Labinglimang (15) finalists naman ang pipiliin para magtungo sa susunod na level ng competition, kung saan bawat finalist ay bibigyan ng assignment para sa kani-kanilang AFFI coaches na siya namang tutulong na makita nila ang kanilang business ideas na magkatotoo at  maghanda para sa “testing” stage ng kanilang konsepto.

Kasunod nito, ang finalists ay bibigyan ng oportunidad na testingin ang kanilang aktuwal na   pagbebenta ng kanilang produkto sa iba’t ibang tindahan ng pagkain tulad ng Mercato Centrale, Legaspi Sunday Market, at Department of Trade and Industry (DTI) trade fairs.

Para sa huling bahagi ng kompetisyon, ang labinlimang (15) finalists ay magbibigay ng ideya sa AFFI Panel sa loob ng tatlong araw na “AFFI Franchise and Business Expo” sa Pebrero 2019 at maipakita ang kanilang produkto sa kanilang sariling booths.

Ang criteria sa pagpili ng mananalong business concept ay ang feasibility, franchisability, concept uniqueness, optimization of the startup capital, financial viability, at presentation impact.

Limang (5) grand finalists ang pipiliin sa Top 15. Ang ikaapat hanggang unang mananalo ay tatanggap ng plake, medalya, AFFI membership certificate, eligibility  na makasali sa AFFI learning events, libreng 4-square meter booth sa 18th AFFI Franchise Expo sa 2020, consolation cash prize, free 1 ticket each sa 2nd AFFInity Summit and a dedicated Mentor-in-Charge. Ang Grand Winner naman, ay tatanggap ng Seed Capital na Php 250,000, libreng limang (5) ticket sa 2nd AFFInity Summit, libreng  6-square meter raw booth space sa 18th AFFI Franchise Expo sa 2020 at isang dedicated AFFI mentor, bukod sa AFFI membership at entry sa lahat ng AFFI learning events.

“The EntrepOlympics is our own way of discovering young talent to go into entrepreneurship already, and what better way to start than going to the schools. This activity definitely fulfills part of our AFFI slogan ‘Para kay God, Para sa Bayan, Para sa AF-FI,’ where everything we think and do are for God’s glory, our countrymen and of course, members of AFFI,” sabi ni AFFI President Marie Joyce Co Yu, na siya ring president at CEO ng Trueblends Tea & Coffee.

To register for the EntrepOlympics©, visit https://tinyurl.com/EntrepOlympicsYr1 or call Ruel Miclat, Jr. (RJ), AFFI Assistant Event and Project Coordinator, at (02) 745-3237, 0917-5199837 or email [email protected].

For more about the Association of Filipino Franchisers, Inc., visit http://affi.com.ph or follow them on Facebook,www.facebook.com/affiempoweringentrepreneurs, or Twitter (@AEntreps). AFFI is headquartered at the AFFI Center, Unit 406, A.N.Y. Building, #38 Timog Avenue, Brgy. Laging Handa, Quezon City. Call AFFI at (02) 746-3237, (02) 957-8486 and (02) 504-3693, or through 0949-8890758, 0917-5182334 or 0917-5199837.

You can also email AFFI at [email protected] or [email protected].

Comments are closed.