AFP 30 ARAW NA IPAGLULUKSA SI NOYNOY

NAIHATID na kahapon sa kanyang huling hantungan ang labi ng yumaong dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III matapos ang isinagawang state funeral na nagtapos sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque.

Pagsapit sa Manila Memorial Park ay ginawarang ng arrival honors ang yumaong commander in chief na may isang brigada ng sundalo sa pangunguna ni Armed Forces chief of Staff General Cirilito Sobejana na nagsilbing military host kasama ang mga AFP major service commanders.

Habang nagsilbing pall bearer naman ang mga aktibong heneral ng sandatahang lakas na siyang sumalubong sa urn ni Pangulong Nonoy Aquino bago inilipat sa naghihintay na hearse na simula ng funeral march na magdadala sa kanyang huling himlayan habang nagsasaboy ng bulaklak ang Philippine Air Force chopper.

Ayon kay AFP J3 commander Major General chief Edgardo De Leon, magluluksa ang buong military organization sa loob ng 30 araw base sa kanilang miltary regulations.

A “Badge of Mourning” will be worn at the left arm sleaves of the uniform above the elbow. And this will be for 30 days reckoned from the Notice of Death,” paliwanag pa ni Mgen De Leon. VERLIN RUIZ

41 thoughts on “AFP 30 ARAW NA IPAGLULUKSA SI NOYNOY”

Comments are closed.