CAMP AGUINALDO – INAMIN ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen Felimon T. Santos na nakaalerto sila at binabantayan ang aktibidad ng mga lokal na teroristang grupo.
Sa kauna–unahang flag raising ceremony ni Santos bilang bagong pinuno ng AFP kahapon, ang kanilang pagtaas ng alerto nitong Lunes ay inihayag nito na kabilang sa binabantayan ang mga ulat na maaring makisimpatya sa Iran ang mga lokal na terorista kasunod ng pagkasawi ng kanilang top general na si Qassem Soleimani.
Tiniyak naman ni Santos na wala pang namo-monitor ang AFP na anumang banta sa bansa.
Inihayag din ni Santos na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, kabilang ang iba pang gabinete, siya at ang tatlong major services ng AFP para talakayin ang epekto ng drone attack ng U.S sa bansang Iraq na ikinamatay ng isang Iranian senior military official.
Inihayag pa ni Santos na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa pamamagitan ng kanilang mga defense at military attaches sa mga kalapit bansa lalo na sa middle east.
Patuloy umano ang ginagawang monitoring ng AFP sa mga itinuturing na mga affiliated gaya ng Ismaic State of Iraq and Syria (ISIS). Tinitingnan din ng AFP ang mga posibleng targets ng Iranian sa ibang bansa kasama ang Filipinas.
Bukod dito, pangunahing concern umano ng Pangulo ang sitwasyon ng mga Filipino sa Iran at Iraq maging sa iba pang bansa sa gitnang silangan kaya pinaghahanda sila ng contingencies plan para sa posibleng malawakang evacuation o repatration. VERLIN RUIZ
Comments are closed.