CAMP AGUINALDO – NASA alert mode pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kahit pa naglatag ng unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP) para sa panahon ng Kapaskuhan.
Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi niya irerekomenda para sa AFP na magpatupad ng temporary ceasefire dahil posibleng pabor lamang ang tigil-putukan sa mga rebelde at naniniwalang nais lamang ng mga ito na malaya nilang magawa ang selebrasyon sa kanilang ika-50 anibersaryo sa Disyembre 26.
Tiniyak ni AFP Public Information Office chief Col. Noel Detoyato, mananatiling naka-alerto ang kanilang tropa kahit pa sabihin ng CPP-NPA na may pina-iiral silang ceasefire dahil lagi namang hindi nakatutupad sa kanilang salita ang mga komunistang rebelde.
Kaugnay nito inihayag ni Lorenzana na nakahanda ang gobyerno na bigyan ng magandang pamasko ang mga rebeldeng magbabalik-loob sa panahon ng kanilang ceasefire. VERLIN RUIZ
Comments are closed.