AFP AT PNP BUMUO NG TASK FORCE

afp and pnp

BENGUET – UPANG matiyak ang katahimikan at kapayapaan bumuo ng Joint Task Force ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa Campaign Plan “Kapanatagan Cordillera” 2019-2022  sa La Trinidad.

Ginawa ang task force sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ng  Camp Major Bado Dangwa, sa nabanggit na bayan.

Layon ng Joint Campaign Plan “Kapanatagan Cordillera” na isulong ang kapayapaan at suportahan ang development initiatives.

Dumalo sa task force sina Lieutenant General Emmanuel B. Salamat, AFP; Commander of the Northern Luzon CommandMajor General Lenard T. Agustin, AFP; Commander of the 7th Infantry Division, Philippine Army at Major General Pablo M. Lo­renzo, Commander of the 5th Infantry Division, Phil. Army; at si Police Brigadier General Israel Ephraim T. Dickson, Regional Director of PROCOR.

Matapos ang maik­ling briefing at kasunduan nilagdaan ng magkabilang grupo ang plano na tutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang Filipino. THONY ARCENAL

Comments are closed.