AFP AT PNP NAKALERTO SA 123rd INDEPENDENCE DAY

ALERTADO ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan kasabay ng panawagan ng pagkakaisa, pagsusulong ng kapayapaan at sama samang paglaban sa pandemiya.

Nakaalerto ang government security forces upang pigilan ang posibilidad na samantalahin ng mga grupong nagbabalak na magsagawa ng mga pagkilos ngayong araw.

Sa panig naman ng PNP, naka-heightened alert din upang matiyak na mapayapa ang okasyon.

“Sa ngayon po, wala naman tayong namomonitor na banta sa paggunita ng ating Araw ng Kalayaan.

Magkagayon man, ang buong kapulisan po ay patuloy na magbabantay upang maging maayos ang ating sitwasyon sa araw na iyon,” ayon kay PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar.

Sama-samang kabayanihan at paglaban sa pandemiya dala ng coronavirus ang isa sa panawagan ni AFP chief of Staff General Cirilito Sobejana.

Samantala hinikayat ni Eleazar ang iba’t ibang mga grupo na nagbabalak magkasa ng kanilang mga pagkilos sa araw ng Kalayaan na gawin na lang itong online bilang nahaharap pa rin ang bansa sa banta ng COVID 19. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “AFP AT PNP NAKALERTO SA 123rd INDEPENDENCE DAY”

  1. 903722 509825The digital cigarette makes use of a battery and a small heating element the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 491989

Comments are closed.