KASUNOD nang malagim na pagpapasabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng may 20 katao at malubhang ikinasugat ng 111 iba pa nitong Linggo ay inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsasagawa sila ng “extra precau-tionary measures” para ma-secure ang nakatakdang ikalawang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa darating na Pebrero 6, 2019.
Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato kahapon nang tanungin ito kung may mga pagbabago pa sa inilatag nilang security blanket para sa gaganaping suffrage exercise kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Mt. Carmel Cathe-dral sa Barangay Walled City, Jolo.
“We will take extra precautionary measures in the advent of the Jolo incident. Meanwhile, our troops are adviced to be always on the alert for any changes in the security protocols to anticipate the fluid situation. All other security arrangements stays the same,” ani Detoyato.
Idaraos ang huling plebisito sa Pebrero 6, sa lalawigan ng Lanao del Norte, maliban sa Iligan City sa mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa lalawigan ng North Cotabato; at 28 barangays para sa Bangsamoro Autono-mous Region in Muslim Mindanao.
“Since it will be relatively smaller, concentration of troops will be higher. AFP troops are predeployed so there will be minimal movement to secure the plebiscite on February 6,” paliwanag pa ni Col Detoyato.
Bago ang naganap na pagsabog ay nagpakalat ang AFP ng mahigit 10,000 sundalo at support units na magbabantay sa BOL plebiscite bukod pa sa puwersa ng Philippine National Police (PNP) nitong Enero 21 at Pebrero 6.
Kahapon ng umaga inilagay ng PNP sa heigthened alert ang kanilang buong puwersa sa buong bansa kasunod ng twin explo-sion na naganap.
Habang sa Metro Manila itinaas naman ni PNP National Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar sa full alert status ang buong puwersa ng Metropolitan police.
Ayon kay NCRPO chief, Dir. Guillermo Eleazar sa ilalim ng full alert status, mas paiigtingin pa ang mga checkpoint, pagpapatrolya, at koordinasyon ng PNP sa Armed Forces of the Philippines.
Inatasan din ang mga pulis na kanselahin ang kanilang leave of absence na nauna na nilang inihain.
Tiniyak naman ni Eleazar na gagawin ang lahat upang mapanatiling ligtas ang buong Metro Manila. VERLIN RUIZ
Comments are closed.