NEGROS ORIENTAL –ITUTULAK ng pulisya at militar sa lalawigang ito ang joint security plan upang mapigil ang patuloy na patayan sa Guihulngan City.
Sa panayam kay Negros Oriental police director, Sr. Supt. Raul Tacaca, inamin nito na hindi kayang mag-isa ng pulisya ang mga kaso ng pagpaslang ng mga hindi nakikilalang salarin kaya mas makabubuting makatuwang ang militar.
Ginawa ang hakbang kasunod na pagpatay ng hindi nakikilalang mga suspek sa mga biktima na tanghaling tapat pa noon sa kabundukan ng Guihulngan City.
Batay sa imbestigasyon, ang pamamaslang ay may kaugnayan sa insurgency problem o sa illegal drugs.
Una nang umapela ang mga residente sa lungsod na kumilos ang pulisya kasunod ng pamamaslang.
Habang ayaw naman ng mga nakasaksi na magsalita sa pangambang balikan sila ng mga namaslang.
Dahil dito, nagpatulong na ang pulisya sa militar upang masawata ang krimen na hinihinalang may kinalaman ang New People’s Army (NPA). PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.