AFP AT PNP TUTOK PARA SA BOL PLEBISCITE SA COTABATO CITY

NORTH COTABATO – ANIM na araw bago ang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa Enero 21, dagdag na seguridad at maigting ang preparasyon ng pulisya at militar sa Cotabato City para sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Sr. Supt. Michael Lebanan, ang bagong Cotabato City Police Director, na komplikado at mainit ang sitwasyon sa natu­rang lungsod.

Aniya, mas tinututukan aniya nila ang security preparations kasabay ng pagsida­tingan ng augmentation forces ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ide-deploy ang mga ito sa buong lungsod na isa sa pinakakritikal na lugar para sa gagana­ping plebesito.

Kaugnay nito, pinag­hahandaan din nila at binabantayan ang nagbabanggaang political rivals pati na ang banta ng mga teroristang grupo gaya ng Is-lamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ISIS-inspired Dawla Islamiya group na gustong guluhin ang nakatakdang plebesito.   EUNICE C.

Comments are closed.