AFP CHIEF FAUSTINO 4-STAR GENERAL NA

OPISYAL nang iginawad kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lieutenant General Jose Faustino Jr. ang kanyang fourth star at na-promote bilang full pledge 4 star general.

Mismong ang commander in chief na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa donning of ranks kay Faustino kasabay na rin ng pagbisita nito sa Bicol International Airport, Daraga, Albay kamakalawa.

Bukod kay Faustino, iginawad na rin ng Pangulong Duterte ang ikatlong estrelya kay Southern Luzon Command (SOLCOM) Chief Lt.Gen. Bartolome Bacarro na kabilang sa limang opisyal ng AFP na nabigyan ng pagkakataong maitaas ang ranggo epektibo nitong nakaraang buwan.

Binigyan ng traditional honor bilang ika-56th Chief of Staff sa AFP General Headquarters sa Kampo Emilio Aguinaldo,Quezon City si Faustino na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 at Mistah ni Lt Gen Bacarro.

Magugunitang hinalinhan ni Faustino si retired Gen. Cirilito Sobejana na mula naman sa PMA Hinirang Class of 1987 na nagretiro na noong Hulyo na nagsilbing commander ng Western Mindnao Command bago tuluyang hinawakan ang renda ng Sandatahang Lakas.

Gayunpaman, apat na buwan lang pamumunuan ni Faustino ang AFP dahil nakatakda rin itong magretiro sa darating na Nobyembre 12.

Bago nahirang bilang 56th Chief of Staff, si General Faustino ay pinamunuan ang Joint Task Force Mindanao at nagsilbi rin bilang Acting Commanding General of the Philippine Army. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “AFP CHIEF FAUSTINO 4-STAR GENERAL NA”

Comments are closed.