NAGSIMULA nang magpaalam sa buong hanay ng hukbong sandatahan si outgoing AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez sa pagdalo nito sa kaniyang kahuli-hulihang flag raising ceremony sa Kampo Aguinaldo kahapon.
Sa kaniyang mensahe ay nagpasalamat si Galvez sa lahat ng mga sundalo sa lahat ng yunit: Army, Navy, Air Force at Marines gayundin sa mga civilian personnel ng AFP dahil sa walang sawang paglilingkod sa loob ng kaniyang walong buwang panunungkulan bilang ika-50 AFP Chief of Staff.
Sinabi ng heneral na naging kontento siya sa kaniyang mga nagawa sa Sandatahang Lakas.
Binigyang pagkilala ni Galvez ang matataas na opisyal ng AFP sa kanilang natatangi at hindi matatawarang paglilingkod sa bayan.
Si Galvez ay nakatakdang italaga ni Pangulong Duterte na susunod na Presidential Adviser on the Peace Process kapalit ng nagbitiw na si Jesus Dureza.
Comments are closed.