AFP CHIEF OF STAFF GALVEZ ‘NAGPAALAM’ NA SA MINDANAO

General Carlito Galvez

ZAMBOANGA CITY – IPINAGPALAGAY na isang farewell visit ang pag-iikot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez sa Mindanao.

Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Edgard Arevalo, magkasunod na bumisita si Galvez sa Eastern Mindanao Command sa Davao City, Western Mindanao Command sa Zamboanga City, at 104th Brigade sa Isabe­la City, Basilan Province.

Dagdag pa ni Arevalo, ang Mindanao tour of duty ng chief of staff ay malaking bahagi sa halos apat na dekadang military career ni Galvez.

Nagpasalamat si Galvez sa dedikasyon at pagsasakripisyo ng mga sundalo na nagresulta sa pagtatagumpay ng AFP sa misyon nito na nakapagbigay ng mas magandang security climate sa Mindanao.

Hinimok din ng outgoing AFP chief ang mga tropa na ibigay ang parehong antas ng katapatan at suporta sa sinumang papalit sa kaniyang puwesto.

Si Galvez ay magreretiro sa serbisyo sa Disyembre 12, pagsapit ng kanyang 56th birthday.    EUNICE C.

Comments are closed.