AFP CHIEF OF STAFF LUSOT NA SA CA

MABILIS na inaprubahan ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa plenary level ang ad interim appointment ni Armed Forces (AFP) Chief of Staff Carlito Galvez Jr.

Ito ay makaraang maitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Galvez bilang kapalit ni retired AFP Chief Rey Leonardo Guerrero.

Nakilala si Galvez dahil sa malaking papel nito para makalaya ang Marawi City mula sa kamay ng Maute-ISIS group noong nakaraang taon.

Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Sandiwa Class of 1985.

Nakatanggap na rin siya ng Philippine Legion of Honor, military merit medal at marami pang iba.

Samantala, kasabay ni Galvez, nakumpirma rin sa brigadier general rank sina Rolando Rodil at Joselito Maclang.

Habang lusot na rin sina Nelson Collantes bilang brigadier general (reserve) at Emmanuel Mahipus bilang colonel ng Philippine Air Force (reserve). VICKY CERVALES

 

Comments are closed.