COTABATO CITY – MATINDING pag-iikot ang ginawa ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Benjamin Madrigal sa Mindanao na inumpisahan kahapon upang i-monitor ang pagdara-usan ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Madrigal tiwala siyang magigingmaayos at mapayapa ang gaganaping plebisito sa Enero 21, Lunes.
Sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang military camps at pakikipag-ugnayan sa mga local government units ay tiniyak ng heneral na walang magiging sagwil para igiit ng mamamayan ang kanilang karapatang bumoto.
Nabatid na naka alerto ang militar laban sa mga posibleng spoiler of peace mula sa mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf at BIFF pero handa umano ang militar na tugunan ito ng kasundaluhan.
Ayon sa opisyal, may ilang grupo lamang ang binabantayan sa Basilan na posibleng maghasik ng panggugulo pero binaban-tayan ito ng kanilang mga tauhan.
Sa paglilibot ni Madrigal sa mga kampo militar ay pinaalalahanan niya ang mga sundalo na manatiling apolitical at huwag nang sumawsaw sa politika o magpagamit sa mga politiko. VERLIN RUIZ
Comments are closed.