AFP GENERAL INALOK NG NFA POST NI DUTERTE

Lieutenant General Rolando Bautista-Pres-Duterte

INALOK  kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kay Philippine Army chief Lieutenant General Rolando Bautista ang puwesto bilang National Food Authority (NFA) administrator.

Ginawa ito ng Pangulo sa kaniyang command conference sa mga opisyal ng Gabinete sa Tuguegarao City, Cagayan,  kaugnay sa update ng mga aksiyong isinagawa ng gobyerno sa pananalasa ng bagyong Ompong.

“In the meantime na ‘di kita malagay sa Central Bank… doon ka muna sa NFA siguro, to rationalize the idiotic ano itong… para maplano, make it structural,” ani Duterte kay Bautista sa command conference.

Si Gen. Bautista, na nakatakdang magretiro sa AFP sa Oktubre 15, ay inilarawan ni Duterte na isang mabait.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang malinaw na kasagutan ang heneral sa ina­alok ng Pangulo.

Matatandaan na inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang kaniyang paghahanap sa magiging kapalit ni NFA administrator Jason Aquino na nag-resign sa kanyang posisyon dahil sa kontrobersiya tungkol sa  bigas.

Comments are closed.