AFP INAMING MAY MINO-MONITOR NA SUSPECTED NCOV

Military Doctor

CAMP AGUINALDO – INAMIN ng isang military doctor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga sundalo at mga kaanak nila ang binabantayan dahil sa posibilidad na nalantad o ‘contact’ sa 2019 Novel Coronavirus-Acute Respiratory Disease.

Sinabi ni Capt. Sherwin Joseph Sarmiento, AFP  Health Service Command- Public Affairs Office chief na may mga sundalo at kamag-anak nila ang naka- confine/quarantine sa V. Luna Hospital.

Kina-kategorya aniya ang mga ito na person under monitoring  o PUM dahil nagmula sila sa mga bansang ina-identify ng Department of Health na mga critical areas sa nCoV gaya ng China, Hong Kong at Macau.

Habang may mga sundalo rin umano at mga kamag-anak nila ang tinaguriang  person under investigation (PUI)  dahil bukod sa galing din  sila sa mga identify areas ng DOH gaya ng Hong Kong, Macau at China ay kasalukuyan silang may sipon, ubo, dumaraing ng paninikip o hirap na pag­hinga at  lagnat.

Tumanggi naman si Sarmiento na tukuyin kung ilang sundalo o pamilya nila ang kasalukuyang binabanta­yan ngayon sa kanilang isolation o infec-tious ward ng nasabing ospital na nakahiwalay sa main building.

Ang mga ito ay mga kinatawan ng AFP at DND  sa mga bansa, mga military attache, mga opisyal o sundalo na dumadalo ng seminar, exchange students na nag-aaral sa nabanggit na mga bansa.

Una nang inihayag ni Dr. Melay Turao na may mga sundalo na naka-confine ngayon sa kanilang infectious ward. VERLIN RUIZ

Comments are closed.