AFP INTER-AGENCY TF VS RED RECRUITMENT SUPORTADO

QUEZON CITY – ­ILANG araw matapos matuklasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang planong Red October  ng CPP/NDF/NPA, ang  Department of the Interior and Local Government (DILG) ay naghayag ng kanilang suporta sa AFP  at panawagang magbuo ng isang Inter-agency Task Force para sa mga komunista.

Ayon kay DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año, suportado nila ang ginagawa ng militar upang supilin ang mga pagbabanta sa estado.

Bilang dating militar, katuwang siya para mailagay sa katahimikan at katatagan ang bansa habang magiging kasama siya ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. sa panini­walang dapat alam ng civil-ian agencies at iba pang stakeholders ang pagsasawata sa communist recruitment.

“I concurs with Gen. o Galvez that civilian agencies and other stakeholders must be aware of and integrated in the whole-of-government strategy of quashing communist recruitment,” ayon pa kay Año.

Tiniyak din ng kalihim na ina-address na ng pamahalaan ang kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at himutok ng mga rebelde na sanhi ng insurhensiya.

“Insurgency is rooted in poverty, inequality, and grievances that could be addressed by respective mandates of various government institutions. We have all the mechanisms to face these issues but all gov-ernment agencies have to perform our roles in a concerted manner,” ayon pa kay Año. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.