AFP JOINT EXERCISE DAGIT-PA 2021 TINAPOS NA

WINAKASAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang idinaos na AFP Joint Exercise DAGIT-PA (AJEX DAGIT-PA) 2021 sa simpleng seremonya na pinangunahan ni AFP chief of staff Lieutenant General Andres Centinosa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon kay Gen. Centino matagumpay at naging kapakipakinabang para sa kasundaluhan ang kanilang ginawang mga pagsasanay partikular sa interoperability ng AFP major services.

Ngayong taon sumalang sa Cyber Defense Exercise sa Camp Aguinaldo; Air Detection at Interception sa Pasay City; Live Fire Exercise at Urban Operations sa Capiz; Maritime Operations sa Panay; at Amphibious Operations sa Antique ang mga kinatawan ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force.

Pahayag pa ni Gen Centino, karamihan sa mga aktibidad para sa AJEX-DAGIT PA ay ginanap sa labas ng Luzon at sinalihan ng may 1,492 Active Personnel at 92 Reservist mula sa lahat ng AFP Major Services.

Idineploy din ang iba’t ibang asset ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy kasama ang Philippine Marines para masubukan ang kanilang interoperability.

Sa tagumpay ng AJEX-DAGIT PA ay walang duda na nakamit ng AFP ang mas mataas na antas ng kakayahan sa tulong na rin ng mga bago at modernong kagamitan kaakibat ng mga makabagong kaalaman, ani Centino. VERLIN RUIZ