AFP MAY MALAKING ROLE VS COVID-19

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO- MAY malaking ginagampanan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sawatain ang paglawak ng kaso ng coronavirus disease (COVID 19) na idineklara bilang pandemic.

Paliwanag ni BGen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, ang kanilang orga­nisasyon kasama ang Philipine National Police (PNP) ay bahagi ng pamahalaan na ngayon ay nagbibigay ng solusyon para labanan ang nasabing virus na humawa sa 140 katao at pumatay ng 11 iba pa, batay sa datos ng Department of Health as of 4pm kahapon.

Paliwanag pa ni Arevalo, ang measure na hinimay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay isinusulong at isa nang kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte para sugpuin ang problema sa health issue.

Upang maisakatuparan ang paglaban ng pamahalaan sa nasabing sakit, tatalima lamang ang mga sundalo at pulisya na frontliner sa mga itinalagang checkpoints sa Metro Manila.

Sakali namang maki­ta na kumpleto sila sa kagamitan gaya ng kanilang armas, iyon ay bahagi lamang ng kanilang ginagampanan at tiniyak na hindi naman sila nakikipaggiyera kundi uma-assist lamang.

“The AFP is manned and ready not only to address attacks by terrorists and other enemies of the state hiding under the cloak of legality or anonymi-ty.  As the cons­titutionally mandated institution to protect the people and the state, the AFP is prepared to respond to pandemics like that of COVID-19,” bahagi ng paliwanag ni Arevalo.

Ginawa ni Arevalo ang pahayag makaraang magsalita si dating Bayan Muna Partylist Representative Teddy Casiño at sinabing, “COVID-19 is es-sentially health problem not a peace and order problem, thus, we need health solutions, not police and military actions.” REA SARMIENTO

Comments are closed.