(AFP modernization ipagpatuloy) DEFENSE CAPABILITY, DISASTER RESPONSE, PALAKASIN SA PAGBASURA NG VFA

Rep-Ruffy-Biazon

BAGAMA’T iginigiit ng ilang Department secretaries ang kahalagahan ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Filipinas at Amerika, sa huli ay ang kagustujan pa rin ni ­Pangulong Rodrigo Duterte, bilang ‘Chièf Architect of Foreign Policy’, ang mananaig patungkol sa nasabing kasunduan.

Ito ang binigyan-diin ni House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chairman at Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon kung saan sinabi rin niya na dapat nang palakasin ngayon ng bansa ang ‘defense capability’ at ‘disaster response’ nito gayundin ang pagpapatuloy ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa napipintong pagbasura sa VFA.

“The 180 day period prior to the effectivity of the termination should likewise be used for a national security review by the Legislative Branch to determine the measures needed to fill the gap. The Legislative Oversight Committee on Visiting Forces Agreement, as well as the Committee on National Defense and Security should convene to discuss this new direction that our country is headed to,” dagdag pa ng Muntinlupa City lawmaker.

Ayon kay Biazon, mabuting pagtuunan ng pansin ngayon ng Duterte government na punan ang mga maaaring mawala sa Filipinas kapag ganap nang tinuldukan ang naturang kasunduan.

“With the finalization of the notice of termination of the Visiting Forces Agreement by the Republic of the Philippines, it should now be a matter of priority for the government to enter into transition mode, to prepare for the security gap that will result in the disengagement of the Philippines from an agreement with the United States which enhances our military and defense capability, our disaster response and opens the door towards modernizing the Armed Forces,” sabi ng mambabatas.

“Likewise, our foreign relations strategy should also be tweaked to enable the Philippines to adapt to the after-effects of this new configuration in the security set up in our region of the world.”

Sinabi rin ng senior vice-chairman ng House Committee on National Defense and Security na  maaaring ikonsidera ng pamahalaan na sa paghahanda nito sa isusumiteng panukalang 2021 national budget ay isama ang kakailanganing pon-do para maibsan ang magiging epekto sa bansa ng ‘VFA termination’. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.