NAGBIGAY ng kanyang huling pagpupugay at respeto si outgoing AFP Chief of Staff General Andres Centino sa dating Armed Forces of the Philippines Commander in Chief dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Si Centino ay dumalaw sa burol ng dating pangulo sa Heritage Park sa Taguig City kasama si Philippine Navy Flag Officer-In-Command Vice Admiral Adeluis Bordado kung saan nagbigay pugay at saludo kay Ramos na isang lider na naglingkod sa sambayanang Pilipino.
Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng tribute kay yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos ang contingent ng AFP Special Forces sa Heritage Park, Taguig City.
Naghandog naman ng kanilang tribute ang AFP Special Forces sa dating pangulo na itinuturing na ama at founder ng AFP-SF sa pamamagitan ng audiovisual tribute, testimonials at mga personal anecdotes mula sa ilang retired at active officers na bumisita sa lamay.
Inalala ni MGen Jose P Magno (Ret), isa sa mga pioneers ng Philippine Special Forces, ang masasaya at mga makasaysayang gunitain sa kanilang Special Forces founding commander .
Muling ibinalik ni Magno ang isang statement na sinulat ng dating pangulo. “In my 52 years of public service, I was honored by our people to serve as Philippine President for six years. But I can truly tell you that the most exciting and dangerous assignment during all these years was my stint as the first commanding officer for the pioneer unit, the 1st Special Forces Company. That’s the military achievement I’m most proud of since it is the nucleus of what it is now, Special Force Regiment Airborne.”
Isa namang memento ang ipinagkaloob sa Ramos family na sinundan ng pag-awit ng Airborne at Special Forces songs.
Gagawaran ng AFP ng full military honors ang dating Pangulo sa kanyang libing sa Martes sa Libingan ng mga Bayani. VERLIN RUIZ