AFP NAGHAHANDA NA SA FULL IMPLEMENTATION NG FOI

Col Noel Detoyato

NAGHAHANDA  na ang Armed Forces of the Philippines para sa  ganap na pagpapatupad ng  Freedom of Information (FOI)  kaya nagdaos ang mga ito ng  Cascading and Leveling Seminar para sa iba’t ibang tanggapan at units sa  AFP Commission Officers Club, Camp Aguinaldo, Quezon City nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay AFP Public Affair Office chief Col Noel Detoyato, ang nasabing pag aaral ay bahagi ng kanilang pagsisikap na ma-kasunod  sa inilabas na  Executive Order No. 02 2016 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, upang makatugon sa panawagan para sa “transparency and full public disclosure of information”.

“The Public has the right to know the right information at the right time. An informed populace is a source of national power, and right information can empower Filipinos of informed decision,” paliwanag pa ni Col Detoyato.

Sa nasabing seminar ay tinalakay ni Assistant Secretary Kristian Ablan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang EX No. 2, na nag-aatas para sa FOI at  mekanismo para sa pagsusulong ng transparency sa administrative process ng gobyerno.

Tinalakay rin sa nasabing pag-uusap ang listahan ng mga exceptions, at  electronic FOI portal.

Ibinahagi at hinimay  ni Col. Napoleon De Vera ng  OJ7 ang nilalaman ng FOI Manual sa mga tanggapan at kanilang mga unit kung saan tinalakay ang mahahalagang aspeto ng  AFP FOI Manual.

Nanguna naman  si Deputy Judge Advocate General Col. Agustin Matavia na talakayin ang legal matters hinggil sa FOI at ini-sa-isa ang administrative liabilities ng kabiguan na makatugon sa requirements ng proseso.

Hiningan naman ng kanilang input si Noriza Atienza, acting public affairs division chief  Department of National Defense-Public Affairs Service (DND-PAS) hinggil sa kanilang mga karanasan sa implementation ng  FOI.

“We must release the information to the people with maximum disclosure and with minimum delay,” ani Detoyato .

Upang makatiyak na makakatugon sa nakalatag na FOI process, ay pinanumpa ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Salvador Melchor Mison Jr. ang mga itinalagang FOI Action Officer and Staff.

“The AFP understands that the power of the State emanates from the public, and that the public needs and deserve to know all government transactions, decisions, and policies that affect the lives of Filipinos,” dagdag pa ni Detoyato.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.