CAMP AGUINALDO-IKINAGALAK ng mga retiradong kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga mambababatas sa paglalaan ng P54.6 billion supplemental fund para sa mga retiradong uniformed personnel .
“While this could have been given long ago, it will still be able to cushion the impact of the pandemic,” ani AFP Spokesman Marine Maj. General Edgard Arevalo.
Nabatid na kabilang ang mga retired members ng AFP sa hanay ng mga uniformed personnel na mabibiyayaan ng P54.6 billion supplemental fund na inilaan ng mga mambabatas para mabayaran ang malaking pagkakautang ng pamahalaan sa pension ng mga retirado.
Kamakailan ay lumabas ang ulat na isinama sa Bayanihan to Arise As One (Bayanihan 3) ang pondo para mabayaran ang utang ng gobyerno sa pensiyon ng mga retiradong sundalo at unipormadong tauhan ng pamahalaan.
Nagkasundo ang kongreso at Department of Budget and Management (DBM) na isama na lamang ang P54.6 billion pension and gratuity fund (PGF) ng retired military and uniformed personnel (MUP).
“Ni-request ito ng DBM… kung sumusubaybay kayo sa mga ganap sa House ito ‘yung na-cut doon sa 2020 (budget) so kailangan natin i-restore ‘yan kasi utang natin ‘yan sa mga sundalong nag-retire, talagang we cannot avoid that, kailangang mabayaran,” ayon sa isang mambabatas.
Napag alaman na oras na maipasa ang supplemental budget ay matitiyak ang na magkakaroon ng final settlement sa matagal ng utang o overdue pension differential ng mga retired MUP.
Ang nasabing halaga ay i-re-released ng Department of Budget and Management sa Department of National Defense para sa AFP; Department of the Interior and Local Government para sa PNP, BFP, at BJMP; Department of Transportation para sa PCG; at Department of Environment and Natural Resources para sa NAMRIA, “in accordance with budgeting, accounting and auditing laws, rules and regulations.” VERLIN RUIZ
968213 575999Audio started playing as soon as I opened this web-site, so annoying! 143299
326909 749987Greetings! Quick question thats completely off topic. Do you know how to make your internet site mobile friendly? My weblog looks weird when viewing from my iphone. Im trying to discover a template or plugin that may well be able to fix this issue. In case you have any recommendations, please share. Appreciate it! 40225