QUEZON – NANUNGKULAN na bilang officer in charge ng AFP Southern Luzon Command si MGen Gilbert Gapay, kasalukuyang pinuno ng Mechanized Division of the Philippine Army kahalili ni Lt. Gen. Danilo G. Pamonag na nagretiro sa serbisyo kahapon.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen Benjamin Madrigal ang joint Retirement and Change of Command ceremony kahapon sa SOLCOM Headquarters sa Quezon Province.
“On behalf of every soldier, airman, sailor, and marine, I thank Lt. Gen. Danilo Pamonag for his dedicated service and for his tireless work in defending our country against any threat,” pahayag ni Madrigal.
Si Pamonag ay pinapurihan sa kanyang mga naiambag sa Hukbong Sandatahan sa pagsupil sa banta ng komunista sa Timog Katagalugan at Bicol regions
Si Pamonag ay magreretiro matapos ang mahigit 35 taon ng serbisyo military na tinampukan ng dalawang malaking urban battles ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Bago naitalaga si Lt. Gen. Pamonag sa SOLCOM ay pinangunahan nito ang Special Operations Command. Matapos makipagsabayan ng trabaho sa dating pinuno ng Joint Task Force Marawi retired Lt. Gen. Rolando Bautista, itinalaga ito bilang ground commander sa giyera sa Marawi City noong Oktubre.
Si Pamonag ay nagsilbi ding ground commander sa kasagsagan ng Zamboanga City siege noong 2013 laban sa rogue members ng Moro National Liberation Front.
Si Pamonag ay papalitan ni acting capacity MGen Gilbert Gapay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.