AFP NAKIISA SA 126th RIZAL DAY COMMEMORATION

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang paggunita ng ika-126 taon ng kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal kahapon sa Rizal Monument sa Luneta, Manila.

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani ni Pangulong Marcos bilang panauhing pandangal at tagapagsalita .

Naka sentro ang pagdiriwang sa temang: “Rizal: Alaalang Iningatan, Yaman Ngayon ng Bayan’’.

Ayon kay Bacarro na kabilang sa ginanap na wreath laying ceremony, “ Dr. Jose Rizal’s noble acts and sacrifices remain a source of inspiration for the men and women of the AFP as they continue protecting the people and securing the state.”

Gayundin, nagsilbing military host sa ginanap na pagdiriwang ang AFP sa pangunguna ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Gen Romeo Brawner .

Tampok dito ang Security and Escort Battalion at AFP-wide contingent na silang nagsagawa ng ceremonial honors para sa Pangulo.

Kasama ni Pangulong ang First Family sa pagtaas ng bandila ng Pilipinas katuwang sina Bacarro, Manila Mayor Honey Lacuna, National Historical Commission of the Philippines Chair Dr. Rene R. Escalante, Rizal Day Technical Working Committee members, Department of National Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino.

Dumalo rin sa okasyon ang diplomatic corps members, government officials, at mga nalalabing kamag-anak ni Dr. Jose Rizal. VERLIN RUIZ