AFP NAKIISA SA ‘WORLD AIDS DAY’

INIHAYAG ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine ang kanilang pagsuporta sa giyera ng mga bansa laban sa pagsugpo sa Human Immuno Virus/ Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV/AIDS sa buong mundo.

Kamakailan, pinagtibay ng AFP ang kanilang pagsuporta na mawakasan na ang HIV/AIDS sa pakikiisa military organization sa World AIDS Day 2022 na ginanap sa Tejeros Hall, AFPCOC, Camp Aguinaldo, Quezon City na may temang: Unifying the Armed Forces Towards Ending HIV/AIDS Amidst the Challenges and Pandemics”.

“In the observance of the World AIDS Day, we educate our military personnel and civilian human resources on HIV Awareness and on sexual health. By doing so, we fulfill our role as members of the global partnership in action to eliminate all forms of HIV-related stigma and discrimination. This aims to end AIDS as a public threat by 2030”, pahayag ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Bartolome VO. Bacarro.

Ang World AIDS day ay ginugunita sa pagpasok ng buwan ng Disyembre upang magbigay ng kamalayan at hikayatin ang sambayanan sa pag-iwas sa HIV/AIDS, paggamot, at pangangalaga sa HIV/AIDS.

Upang palakasin ang adbokasiya, iba’t ibang mga pagtuturo, lecture at update ang ibinigay ng Department of Health, na nagkakaloob ng pangkalahatang ideya hinggil sa Philippine National HIV/AIDS program.

Sinundan ito ng presentasyon ng Revitalized AFP HIV Program. Ang mga lektor mula sa College of Medicine Pramongkutklao, Royal Thai Army, at mula sa Unibersidad ng Santo Tomas na nagbahagi rin ng mga pananaw sa pagpapatupad ng HIV Program sa hanay ng militar.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng AFP top key leaders at mga kinatawan mula sa US Embassy sa pangunguna ng kanilang US Charge de Affaire US Department of Defense-PEPFAR, Thai Royal Army, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno, partner organizations, at stakeholders sa pamamagitan ng face-to-face habang ang iba pang miyembro ng AFP na kasalukuyang naka deploy sa mga operational area ay sumali naman sa pamamagitan ng virtual celebration.
VERLIN RUIZ