AFP NAMIMILI NA NG BAGONG CHIEF OF STAFF

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO- SINIMULAN na ng Armed Forces of the Philippines- Board of Generals (AFP-BOG) na magtipon at talakayin ang nirekomendng listahan ng mga posibleng hirangin na bagong AFP chief of staff.

Ayon kay AFP Spokesman at kasalukuyang pinuno ng AFP Education, Training, and Doctrine Command,  Maj.Gen Edgard Arevalo, pinasimuulan na ng BOG ang deliberasyon sa listahan ng mga inerekomenda na maaring ipalit sa puwesto ni General Felimon T. Santos bilang AFP Chief of Staff at  Chairman of the Joint Chiefs na sumapit na sa kanyang mandatory retiment age sa darating na Agosto 4.

Nabatid na may sampung pangalan ng mga heneral ang isinumite na at  inirekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na kinabibilangan ng major service commanders, unified command chiefs, at  3-star generals mula sa  GHQ.

Kabilang sa mga matunog na pangalan na pinagpipilian na mapasama sa shortlist ni Pangulong Duterte sina AFP Western Mindnao Command chief Lt. Gen Cirilito Sobejana, Philippine Army chief, Lt.Gen Gilbert Gapay, Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo; Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Jose C. Faustino Jr. AFP, Air Force chief Allen Paredes at NOLCOM Commander Lieutenant General Ramiro Manuel Rey .

Samantala, magtutungo si Santos sa AFP Education, Training, and Doctrine Command, sa Miyerkoles, Hulyo 15, bilang guest of honor and speaker sa 3rd Founding Anniversary ng nasabing unit. VERLIN RUIZ

Comments are closed.