AFP PABOR SA 60-DAY DETENTION SA MGA TERROR SUSPECT

Detention

PABOR ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panukala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pagpapalawig sa detention period para sa mga terror suspect nang walang arrest warrants mula 30 to 60 days.

Layunin nito na magkaroon ng sapat na oras ang mga investigator at iba pang law enforcer na makapangalap ng ebidensiya at makabuo ng matibay na kaso laban sa mga suspek.

Ayon kay AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato kahapon, “So that enough time will be given to investigators and law enforcers to gather information and evidences that will build up a strong case when the trial processes begins.”

Inihain ni Lorenzana ang kanyang panukala sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on national defense and security, kung saan mahalaga ang sapat na oras sa law enforcement agencies.

Inihayag din ng pamunuan ng Philippine Army na suportado nila ang nasabing panukala ng kalihim. VERLIN RUIZ

Comments are closed.