AFP PINAKILOS SA ACTIVITIES SA WEST PH SEA

KASUNOD  ng ulat na nagsasagawa na naman ng panibagong reclamation ang bansang China sa apat na lugar malapit sa West Philippine Sea ay inatasan ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging vigilant at paigtingin pa ang kanilang presensiya sa West Philippine Sea (WPS) para mabantayan ang sinasabing Chinese activities.

“Any encroachment in the West Philippine Sea or reclamation on the features therein is a threat to the security of Pag-asa Island, which is part of Philippine sovereign territory. It also endangers the marine environment, and undermines the stability of the region,” ayon sa inilabas na pahayag ng Defense department kahapon.

Ito ay kasunod na rin ng mga na-mo-monitor na umano’y aktibidad ng China malapit sa Pagasa Island at sa lumabas na ulat ng Bloomberg na itinatanggi na ngayon ng China.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andong, anumang panghihimasok o reclamation activity sa WPS partikular sa Pag-asa Island na bahagi ng Philippine sovereign territory ay isang malinaw na paglabag sa soberanya ng bansa.
Sinabi pa nito na maaari ring makasira ng marine environment ang anumang ilegal na aktibidad na ginagawa ng China sa lugar.

Kasunod nito, umaapela ang DND sa China na sundin at i-respeto ang rules-based international order at iwasang gumawa ng hakbang o anumang aktibidad na magreresulta sa tensyon sa WPS.

Samantala, inihayag ng China na fake news ang lumabas na online report na nagsasagawa di umano ng construction activities ang Tsina sa unoccupied features sa pinagtatalunang Spratly Islands para palawakin ang kanilang saklaw sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Ayon sa report na may kasama pang satellite images, ang Beijing ay nagtatayo ng ilang unoccupied land features sa group of islands sa nakalipas na dekada, partikular sa Eldad Reef, Panata Island mas kilala bilang Lankiam Cay), Juan Felipe Reef (mas kilala bilang Whitsun Reef), at Bailan Island (mas kilala bilang Sandy Cay).

Sa inilabas na tugon ng Chinese embassy ang mga mamamahayag sa Beijing-based think-tank South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI), na nag- tweet na ang Sandy Cay ay inokupahan na ng Vietnam, at ang sandbars sa iba pang paksa na nabanggit sa Bloomberg report ay nagbabago ang features kada taon.

Ang Pilipinas, China, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan ay mayroong overlapping territorial claims sa Spratlys, isang potensiyal na flashpoint na nagpaigting naman sa tensyon sa pagitan ng Beijing at Washington.

Sa ulat, sinabi ng Bloomberg na “Western officials have warned that the Asian giant’s latest construction activity signals its “attempt to advance a new status quo, even though it’s too early to know whether China would seek to militarize them.”

Tahasa itong sinagot ng Chinese Embassy na isang “fake news” umano.

Ayon kay China Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning: “The Bloomberg report is completely untrue. Refraining from action on the presently uninhabited islands and reefs of the Nansha Islands is a serious common understanding reached by China and ASEAN countries in the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), and China always strictly abides by it.

“The growth of China-Philippines relations currently enjoys sound momentum, and the two sides will continue to properly handle maritime issues through friendly consultations.” VERLIN RUIZ