INAKTIBO na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) bilang paghahanda para sa nalalapit na 2022 national and local elections.
Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni 2nd Marine Brigade at JTF Tawi-Tawi Commander Col. Romeo Racadio.
Sa nasabing pulong ibinahagi ni Col. Racadio ang isang tanyag na kasabihan mula kay Henry Ford, “Coming together is a beginning, staying together is progress and working together is success”.
Ang JPSCC ay pinagana noong November 30, 2021 na dinaluhan ng mga tauhan ng AFP, PNP at ng kanilang bagong miyembro ang Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay. Racadio, ang reactivation ng JPSCC ay para mapaigting at mapalakas pa ang security preparations ng security sector para sa nalalapit na halalan.
Layon din sa nasabing pulong na bumuo ng mga mekanismo para mapa improved pa ang kanilang inter-operability sa mga gagawing internal and external security operations sa probinsiya.
Ang JPSCC ay co-chaired ng tatlong miyembro ng agencies na sina Col. Romeo Racadio, 2nd Marine Brigade Commander; PCol. Ronaldo Fulo, Provincial Director , Tawi-Tawi PPO at PCG Tawi-Tawi Command CDR Carlos Dela Rosa Jr.