PINAGHAHANDA ngayon ng pamahalaan ang Office of Civil Defense (OCD) , Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa posibleng malawakang pinsala na idudulot ng Bagyong “Rolly” na kasalukuyang nasa Signal No. 3 na sa Cantaduanes at inaasahang tatama sa Central Luzon.
Kahapon, simulan ng pakilusin ang lahat ng commander ng puwersa militar na naka-deploy sa North of Manila para sa posibleng disaster response operations habang papalapit ang Typhoon Rolly na may international name na “Goni”.
Ayon kay Maj.Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander ng AFP’s Northern Luzon Command, inatasan na nito ang lahat ng pinuno ng ibat ibang Joint Task Forces na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa na tiyakin na ang lahat ng sundalo, sailor, airman at marine kabilang na ang kanilang land, air at water assets na nakaalerto at nakahanda sa mabilisang pagtugon sakaling kailanganin ng taumbayan.
Ani Burgos, bawat JTF ay may Organic Disaster Response Units na kanilang pinakikilos sa panahon ng kalamidad.
Base sa pagtataya ng PAGASA at maging ng United States Navy at United States Air Force Joint Typhoon Warning Center (JTWC) posibleng lumakas ang tropical cyclone Rolly at maging isang ganap na super typhoon bago mag-landfall sa Luzon partikular sa Central Luzon at Aurora province.
Nasa signal No. 2 na rin ang Central at Southern portions ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Lopez, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez) kabilang na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias, Ticao Islands, Marinduque at Northern Samar
Signal No. 1 naman sa Masbate, the rest of Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Romblon, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island, Oriental Mindoro, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan, La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, and the southern portion ng Isabela (Aurora, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Angadanan, Alicia, Cauayan City, Cabatuan, San Mateo); northern portion ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao), northern portion ng Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo) at Biliran. VERLIN RUIZ
Comments are closed.