AFP, PNP NAGSANIB SA CROSS TRAINING

UPANG mapalakas ang espesyalidad at umunlad ang kaalaman, nagkasundo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng “cross training” o magpa­litan ng kaalaman kasabay ng turuan sa isa’t isa.

Ito ang nakapaloob sa isinagawang Joint Peace and Security Coordinating Cen­ter Meeting ng AFP at PNP noong nakaraang linggo na pinangunahan nina PNP Chief Gen. Debold Sinas at AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana.

Ayon kay PNP Director for Operations Mgen. Alfred Corpus, layunin nito ang mas mapahusay ang inter-operability ng mga pulis at sundalo.

Paliwanag ni Corpus, kalimitang mga sundalo ang unang nakakarating sa mga insidente sa liblib na lugar, kaya tuturuan ng mga pulis ang mga sundalo sa “evidence preservation” para mapangalagaan ang crime scene bago makarating ang Scene of the crime Operatives (SOCO) ng PNP.

Ang mga sundalo naman aniya, partikular ang mga tauhan ng Phil Air Force ( PAF) ang mas sanay na magpalipad ng helicopter, kaya tuturuan din nila ang mga piloto ng PNP ng mga tactical maneuvers ngayong magkakaroon na ng 18 helicopters ang PNP. EUNICE CELARIO

2 thoughts on “AFP, PNP NAGSANIB SA CROSS TRAINING”

Comments are closed.